Hindi nga ako nagkamali, naunang bumagsak si Jane. Natalo ko ito, hindi man ako manginginom pero may ibubuga naman, medyo tipsy nga lang. Dahil natalo ko ito, sa wakas mararating ko na rin ang Palawan, and thanks to my sponsor, Jane. Inabot na kami ng hating gabi sa condo ni Marjorie. Hindi na muna ako umuwi sa bahay dahil hindi ako puwedeng magmaneho ng sasakyan ko sapagkat may tama na rin ako ng alak. Mabuti na lang at may damit ako rito sa condo ni Marjorie, ganoon din sa bahay ni Jane at Grace. Ganiyan kaming magkakaibigan, kung may damit ako sa mga bahay nila, ganoon din sila sa akin. Minsan naman naghihiraman kami except lang sa mga under garments hindi namin puwedeng i-share. Si Jane nakatulog agad. Si Grace naman tawa pa nang tawa na parang baliw. Mayamaya pa ay bumagsak na rin

