"Bakit ka sumunod dito?" Tanong ko sa kaniya na bahagyang nakataas ang isang kilay. "Siyempre kakain ako." Nakangiti pa ito. Ang sarap talagang kutusan. " 'Di ba nga nilalait mo dahil hindi masarap." Taas kilay kong sabi rito. "Wala akong sinabing ganoon. Tinanong ko lang si Nanay Selena kung masarap ba. Wala akong sinabing hindi masarap." Sabi nitong nakangiting labas ang dimples. "Ganoon na rin 'yon." napipikon kong sabat dito. Pulaan ba naman ang niluto ko. How dare him. Masarap kaya! Subukan niya lang talagang kumain at puputulin ko ang dila niya. As if naman kaya ko 'di ba? "Kahit kailan pikon ka pa rin." Natatawa nitong wika. "Eh ano naman ngayon?" Nakataas ang dalawang ko habang nakatingin sa kaniya. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit pagdating sa kaniya pikon ak

