"HINDI KA NA ba talaga sumusunod sa akin, Khleassandra?" galit na sigaw ni Daddy nang bumaba ako galing sa kuwarto. Kagigising ko lang at wala ako sa mood pero heto siya't nagbubunganga, daig pa ang babae.
Pasado alas-unq na ng madaling araw at oo, kagigising ko lang talaga. Ano'ng oras na ako nakauwi kaninang hapon dahil inumaga na ang party kila Tommy. Hindi rin naman ako natulog no'ng gabi dahil hindi ako inaantok. Nag-stay pa kasi kami hanggang hapon kila Tommy dahil aalis na nga ito.
Hindi ko pinansin si Daddy atsaka nagtuloy sa pagbaba ng hagdan. Bahagya pang nakayuko ang aking ulo ngunit nakikita ko sa isang bahagi ng aking paningin ang kunot na kunot na noo niya na nakatingin sa akin.
Buti't hindi siya inaatake sa sakit sa puso dahil sa ginagawa niyang pagsigaw dito sa loob ng bahay. Nakakapagtaka lang kasi lagi siyang galit.
Sabagay, he's just fourty-three years old. Hindi pa halata sa katawan niya dahil brusko pa ito. Maging sa mukha ay hindi nasasalamin ang kaniyang edad. Maliliit na bigote lamang sa pagitan ng labi at ilong nito ang nakakapagpadumi sa kaniyang mukha.
"I told you not to be friendly with other guys. Why don't you understand that? Even with Tricio's Son!" palahaw niya muli.
And now, he is talking about Tommy. Mula nang makilala ko si Tommy ay inilalayo na niya sa kaibigan kong lalaki. Hindi ko maintindihan kung bakit. Wala naman siyang binibigay na sapat na dahilan upang maintindihan ko. At ang inaasahan niya ay maiintindihan ko iyon agad.
"At ano itong narinig ko? May mga lalaki raw kagabi sa bahay ni Tommy. Maraming lalaki—"
"Dad! You're overacting!" asik ko nang marindi na ang aking tainga sa pakikinig.
Tangina. Ano bang masama sa pakikipagkaibigan sa lalaki? Nakakabuntis ba 'yon? Buti sana kung lahat ng lalaking kaibigan ko, kinakalantari ko. Alam ko naman ang limits ko, 'no! Kapag kaibigan, bawal makipaglandian.
"I am not overacting, Khleassandra. You know how much I care about you. Kung pinabayaan kita, baka hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral!"
Inis akong tumungo sa kusina upang magtimpla ng sariling kape. Hindi ko na inabala pang pakinggan ang mga sumunod na panenermon ni Daddy. Sigurado akong, ang walang humpay niyang panenermon ay magtatagal ng isang oras. At ang paulit-ulit niyang sinasabi na siyang tumatak sa akin ang mabibigay daan para layasan ko siyang muli.
Lagi niyang sinasabi na dahil sa kaniya kaya ako narito ngayon, na maayos ang buhay ko, na nakapagtapos ako ng pag-aaral. At dahil sa kaniya, kaya nakukuha ko ang lahat ng gustuhin ko kahit wala naman akong sariling trabaho. Dahil lahat ng ginagastos ko ay galing sa kaniyang negosyo.
Yes, I'm lucky. Iniisip ko pa rin naman na masuwerte ako dahil ganito ang estado ko sa buhay, dahil nakukuha ko ang mga bagay na kaya kong kunin, dahil nakakain ko lahat ng gusto kong kainin, dahil nagagawa ko ang mga ng gusto kong gawin. Pero hindi lahat. Dahil lagi niya akong pinipigilan.
At ayoko ng sinusumbat sa akin ang lahat ng iyon. Gusto kong magtrabaho, gusto kong kumita gamit ang sarili kong isip at lakas, pero siya ang pumipigil sa akin. Hindi ko na raw kailangan magtrabaho dahil suportado niya ako. Hindi ko raw kailangan pag-aralan ang negosyo namin dahil alam niyang magkukusa akong pag-aralan ito.
Wala akong sariling desisyon dahil lahat kinokontra niya. Hindi ko naman magawang sawayin dahil may puso pa naman ako. Alam ko namang tatay ko siya. Pero tangina, ang laki ko na.
Nakikipaglaplapan nga ako sa iba't ibang lalaki tapos malalaman nilang Daddy's Girl ako? Kadiri amputa.
Bakit kasi hindi na lang siya manatili sa ibang bansa? Atleast do'n, walang pasaway na anak. At wala akong mata rito. Hindi pa siya makukunsumi sa akin araw-araw. Ayaw niya ba ng mapayapang buhay? Kasi ako, gusto ko.
"Go to your room," matigas na utos niya. Hindi man lang ito nag-abalang tumingin sa akin. Nanatili siyang nakaupo habang nakayuko sa binabasang newspaper.
Nagsimula na akong humakbang paakyat sa aking kuwarto. Rinig na rinig ang mahinang yapak ng aking suot na tsinelas pambahay. Ngunit agad akong napahinto nang magsalita ulit si Daddy.
"Next month, sasama ka sa akin sa France. May ipapakilala ako sa iyo roon," aniya.
Lumingon ako sa gawi niya ngunit hindi na nakapagsalita pa dahil naging mabilis ang pagtayo niya at lumabas ng bahay.
Puta. Ayoko sa France. Dalhin niya na ako sa lahat ng bansang maisip niya basta huwag sa France. Kingina.
Mabilis akong pumasok sa loob ng silid ko't ginalugad ang agad ang cellphone ko para tawagan si Arielle. Ibinaba ko ang tasa ng kape na hawak ko sa vanity table ko at saka d-in-ial ang number ni Arielle.
"Arielle!" bungad ko nang sagutin niya ang tawag.
Umupo ako sa kama ngunit parang hindi ako mapalagay kaya humiga ako. Pero tangina, hindi talaga ako makomportable sa posisyon ko dahil binabagabag ako ng huling mga salita na sinabi ng tatay ko sa akin kanina.
Kung ibang posisyon siguro 'yon at may kasama akong lalaki, siguradong bagsak ako pagkatapos.
Naputol ang malikot na imahinasyon ko nang magsalita na si Arielle.
"Yes, why?"
This time, naaalala kong muli kung ano ang dahilan at napatawag ako sa kaniya.
"I have a problem! I need you!" Pinilit kong pakalmahin ang boses ko pero parang hindi iyon umepekto.
France? Next month? Ang lapit na no'n! Tangina talaga.
"Problem? Baka nagyayaya ka lang uminom, ha. May regla ako ngayon. And girl, you have your own bar inside your house. Bakit kailangan mo pang lumabas?" Rinig kong tumawa si Arielle na parang demonyo.
Gagang 'to, wala man lang simpatya. Sinabing may problema nga ako.
But, she's right. We have our own mini bar inside our house. Pero hindi iyon puwede gamitin kung kailan ko lang gusto. Usually, binubuksan lang ang room na 'yon kung may social gatherings or event dito sa bahay. Pero dahil malayo pa ang reunion ng pamilya namin, ilang buwan na siyang nakasara.
Napapikit ako sa inis. "Kailangan ko ng kausap at hindi ng alak, Ariella Merrine!" Bahagyang tumaas ang boses ko. Pero totoo namang gusto ko lang talaga mag-inom. In denial lang para medyo shy kunwari.
"Oh, this girl is so serious. You are now calling my full name," sarkastiko niyang saad.
Kung kasama ko lang ito, malamang nabatukan ko na. She really is annoying! Lalo na kapag ganitong may problema ako, mas nang-aasar pa siya.
"Stop joking. It's not funny, Arielle. You need to come with me. Nagbibihis na ako," I whispered. Kahit hindi pa naman talaga ako nagbibihis.
"Uh-oh? I can't go with you. I'm sorry."
"W-what? W-why?" Naguluhan ako.
Bakit hindi puwede? E, magkasama lang kami kagabi.
"Sinama ako ni mom dito sa Olongapo. I need time and space for myself. Still can't move on na wala na si Tommy," ramdam kong lumungkot ang boses niya sa kabilang linya. Narinig ko pang napabuntong-hininga siya.
"He's alive. For pete's sake!" sigaw ko.
"Yeah. I know," malamya pa rin ang kaniyang tugon.
Hindi ko talaga mapipilit si Arielle kapag ganitong masama ang timpla ng mood niya. Paniguradong wala siyang kuwenta kasama 'pag nagkataon.
"Paano 'yan? Hindi mo ba talaga ako masasamahan?" nawawalang pag-asang tanong ko.
Napapikit ako kasabay ng matunog na buntong-hininga atsaka ini-loudspeaker ang phone at ibinato 'yon sa gilid ng kama.
"Duh? Mayaman ako pero hindi superhero na puwedeng lumipad at pumunta r'yyan anytime!" dinig kong palahaw niya.
"A'right. I can leave alone." Wala sa sariling usal ko habang nakatitig sa bintana ng aking kuwarto.
Tatakas na lang ako. Puta.