Nahimas masan na si Leni ng nakalabas na sila ni Jeffrey sa elevator. Nabawi niya ulit ang katapangan na meron siya bilang person in authority. Sa banda niya, may kailangan siya gawin pa. Hindi pwede na iwan na lang si Guard Felix sa itaas na walang malay. Kasalanan pa din nila ito kung may mangyari dito.
"Jeffrey, we need to report what Felix did.Kailangan siyang madala sa ospital at ipaalam sa police station." sabi niya. Napatigil si Jeffrey at banaag sa kanya ang kakaibang kompyansa na nuon lang niya nakita. Para bagang may malalim na silang relasyon at anduon ang pagnanais nitong proteksyunan siya.
"Sige, ako ang bahala.Wait lng at tatawag ako.Ako na." sagot nito at dumeretso sa Guard on Duty desk. Sinundan ni Stephanie si Jeffrey para makapag report din. Nag radyo ang gwardiya sa iba nilang kasamahan.
"Importanteng maitawag sa police ang insidente. Ano ang numero dyan?" bungad ni Stephanie sa guard.
"Hindi na, ipa dala na lang sa ospital ng Finix Security.Duon siya magpaliwanag. Mahirap na malagay ka sa alanganin Steph." bulong nito sa kanya. Mainit ang hininga ni Jeffrey na nagpakilabot sa buo niyang katawan. Hindi niya sinulyapan si Jeffrey at pinagtanto niya kung tama ba ito na hakbang. Hinila siya ni Jeffrey malayo s guard on duty.
"Kapag ni report natin yan sa pulis ma bubuyang yang ang ginawa sa iyo. Pwede ka mapahiya o pagtsismisan. Magugulo pa oras mo kasi mag bigay ka statement sa pulis, tapos magfile ng kaso. Ako na bahala dito at kausapin ko ang Chief ng Finix Security. Hindi rin nila gusto ma media siyempre."
Hindi siya kumbinsido."Paano kung tayo baligtarin ng Felix na yan. Mahirap, ako na ginawan ng mali, tayo pa ang masisira." sagot ni Stephanie.
"Anduon ako di ba? Ako ang maiwan dito at ako ang magbibigay ng statement para sa spot report nila.Sige na, magtiwala ka sa akin."sabi ni Jeffrey na sigurado sa ginagawa.
"Sige salamat. Balitaan mo ako." sagot niya na hindi pa din kumbinsido. Pero natabunan siya ng hiya sa sarili na siya ay nakadanas ng mapagtangkaan magahasa o mapatay. Nakakahiya dahil siya na Boss na may kapangyarihang mambulyaw ay may kahinaan din pala at pwede maging biktima tulad ng iba. Mabigat ang mga paa niya na lumayo sa eksena. At sa labas ay nakasalubong niya si Leni at dalawa pa na staff niya.
"Ma"am, nag alala po kami sayo. Kaya susundan ka na sana namin." paliwanag nito.
"Ah ok sige, halika na.Kayo na mag isip saan tayo punta." bawi ni Stephanie at pinilit maging masigla sa harap ng staff niya.
Naging sunud sunuran siya sa kanyang mga staff saan mainam mag night out. Gusto na lang niya matapos ang gabi nang hindi nakakahalata ang sino man sa staff niya. Hindi pa pumuputok ang balita na pwede magbigay sa kanya ng kahihiyan. Hindi pa din nag report sa kanya si Jeffrey kung ano nangyari. Pero paano nga ba ito magsabi sa kanya hindi ngapala nito alam ang numero ng kanyang cellphone.
Masayang nag iinuman ang mga staff niya. Nakapag rent sila ng isang room na may karaoke. At sila sila lang ang anduon. Safe sila na uminom, kumanta, at sumayaw ng walang makakakita. Pero wala siya sa mood magpakita ng kung ano man ang gusto niya ipasabog.Wala siya karapatan. Bilang boss, kailangan pa din niya magtimpi. Hindi iyon ang tamang lugar para maipakita ang tunay na sarili. Pinanuod na lamang niya ang kasiyahan ng kanyang mga staff. Pilit ang sigla na pinapakita niya sa kanila at gusto lang niya na mag enjoy ang mga ito.
Natapos ang kasiyahan at siya na rin ang nag aya. Malalim na ang gabi at delikado na din ang pagbiyahe ng mga staff niya na walang sasakyan.
"Okay guys, let us call it a night! We need to go home safe and sound.Sino sasabay sa akin nang maihatid ko na kayo.Si Leni sa pad ko na siya matulog." deklara nito.
"Hindi na po Mam sabay na po ako kela Jonas. Lahat po kami duon na matulog. Sunduin na lang daw po ako duon ng aking hubby love." masaya nitong sagot.
"Thank you Ma"am.Ingat po." sabi ng kanyang mga staff.
"Okay, let's go." sabi niya. Sabay sabay sila lumabas ng mamahaling Bar sa Quezon City. Sinigurado niya na kumpletong nakasakay ang lahat ng staff niya kay Jonas.
"Mag ingat sa pag drive Jonas. Be a gentleman this time ha."bilin niya sa bading na staff. Nag salute ito at nakangiti.Hindi naman mukhang lasing at naka inom.Responsableng driver talaga.
Iniwan na niya ang kanyang staff at pumunta na siya sa kanyang sasakyan at in-istart na ito. Hindi siya uminom ng madami kaya matiwasay siyang nagpaandar at umalis na.
Sa luob ng condo unit niya ay nakaramdam siya ng katiwasayan. Salamat at nakarating na siya sa kanyang munting paraiso na pwede siyang kumilos at maghubad ng ano mang pagbabalatkayo na dapat niyang gawin dahil sa katayuan niya. Oo bilang boss at member ng kilalang church, kailangan niyang maging nasa tama lagi. Kailangan maging perpekto at walang bahid ng ano pa man na ikakasira ng imahe ng mga institusyon na kasapi siya.
Umupo siya sa sofa na gawi niya at tinaas ang paa. Sumandal at pinikit ang mga mata.Pero hindi siya dalawin ng antok kaya siya ay kumuha ng isang shot ng brandy sa kanyang maliit na bar.Kumuha ng kung anong prutas meron sa refrigerator niya. Nakita niya ang cake na bigay sa kanya ng kung sino at naalala niya ang pink envelope na nang galing kay Jeffrey. Dala ang isang bote ng brandy at shot glass ay bumalik siya sa sofa. Binuklat niya ang handbag at nilabas ang pink envelope. Binasa niya ito.
"Dearest and Beloved Steph, please do not get offended by how I addressed you. Save my face save my heart. I am so sorry for acting so assuming that I forget where I should stand. I know I am but a payroll clerk and should not court you that way. I learned my lessons well...I will not embarass you again. Please do not stay away from me. I do not know if it is proper to say that I had seen and admired you long before I was hired in Gentech. I persisted to apply and win my position at all cost, just to get near you. Wag ka sana lumayo. Wag sana sa ganitong paraan na mapahiya din ako sa lahat. I am ready to wait to undergo all the stages I need to get through just to win even at least your friendship. I love you that is the only reason that will justify my actions. Please forgive and allow me to stay. Love you,Jeffrey." Damang dama niya ang mga salita ni Jeffrey sa kanyang puso.Pero saan siya nakita ni Jeffrey at tulad ng sinabi nito matagal na itong may nararamdaman sa kanya. Saan at paano? Sino ang mga kakilala nito sa luob ng kompanya nila at nakapag apply ito.
Naantig ang kanyang damdamin bilang babae. Sabi niya sa sarili niya na napaka simple lang naman ang hinihiling nito sa kanya para hindi niya pagbigyan. Niligtas din siya nito sa kapamahakan. Pero naging palaisipan pa din sa kanya bakit bigla na lang lumabas si Jeffrey sa eksena na kailangan niya ng tulong.Talaga bang sinusundan sundan siya nito? Handa din ba itong manakit para maipagtanggol siya? Bakit girlfriend ang pakilala niya sa kanya kay Felix? At itong Felix na ito dapat ang mawala sa opisina. Hindi na ito dapat maulit pa.