HINAWAKAN niya ang sariling noo, at may lagnat parin siya pero medyo maayos na ang pakiramdam niya kesa kagabi. absent siya sa unang araw at pangalawang araw ng klase niya pero ngayon papasok na siya, lagnat nalang naman to at kaya naman niyang kumilos. napabuntong hininga siya at tumingin sa cellphone, gusto niyang tawagan ng tawagan si krelton at mag sorry ng mag sorry dito pero tama ang sinabi sakaniya ni vixxie, hayaan muna itong makapag isip at pag medyo okay na tiyaka niya ulit ito kakausapin. narinig niya ang kotse sa labas, kinuha niya ang gamit niya at lumabas na din ng bahay. nakita niya ang kuya ivan niya sa driver seat at si vixxie na kumakaway sakaniya. pumasok siya at umupo sa likod. " you don't look okay, ivy " nakalingon sakaniya ang kuya niya at hindi pa pinapaandar

