NAKARATING sila sa beach club, literal na 10 minutes walk lang talaga. Nakahawak siya sa braso ni vixxie habang nililibot ang paningin. Nakakagulat dahil sobrang raming tao, mga nag sasayawan, umiinom at kung ano ano pa. Sa pagkakaalam niya bago lang itong club na to. Wala pa atang isang taon, nakita niya kasi ang flyer na nakaipit sa gate. Inayos niya ang balabal na naka palibot sa balikat niya. Naka shorts at tube lang kasi siya tsaka balabal pag gininaw. "Hey my loves" she almost rolled her eyes when yessha shouted at them. Mukhang may tama na ito pero hindi pa lasing. Nakipag beso sila dito at siya naman hinatak niya ang buhok nito. "Ano? Ikaw lang mag isa? Nasan si thunder?" Sunod sunod na tanong niya dito. Umirap naman ito at pinag krus ang kamay. "Hmmp. Ewan ko! Basta gusto ko

