Seffira’s POV Kasalukuyan akong nasa aking kuwarto ngayon at nag-aayos para mamaya sa lakad namin ni Joseph. Tama kayo, he invited me again and I don’t know what we’re going to talk about later. Isang linggo na ring nanliligaw sa akin si Justine at araw-araw laging nagpapadala sa akin ng bulaklak. Habang nag-aayos ako, tumunog naman ang aking cellphone kaya tumayo ako upang kunin ito sa ibabaw ng aking kama. Nakita ko naman ang pangalan ni Mamita kaya agad ko itong sinagot. ‘‘Hello Mamita, how are you?’’ turan ko sa kaniya. ‘‘Magandang hapon Seffie, may good news ako para sa ‘yo,’’ sabi niya sa akin. ‘‘Bukas kailangan mong pumunta ng kompanya para sa endorsement ng bagong lipstick ng isang kompanya rin at ikaw ang kanilang napili para maging modelo nito,’’ paliwanag nito sa akin. Na

