Chapter 35 Seffira’s POV Halos isang linggo na akong nandito sa mansion ni Clein at madalang ko rin siyang nakikita. Naiintindihan ko naman siya dahil alam kong siya lang ang nagma-manage ng kaniyang kompanyang pinapatakbo sa ngayon dahil nasa ibang bansa pa ang kaniyang ama. Tanging mga kasambahay lang ang madalas kong makausap at makasalamuha rito. ‘‘Miryenda ka muna, Iha.’’ Inilipag ni nanay Luz ang isang chocolate cake at strawberry juice sa aking harapan. Kasalukuyang nasa pool area ako ngayon dahil napakaganda ng panahon at mahangin. Naisipan kong pumunta ngayon dito upang magliwaliw sapagkat ako’y nabuburyo na sa loob ng aking kuwarto. ‘‘Maraming salamay nay Luz, upo kayo saluhan niyo po ako sa dala niyong cake,’’ aniya ko sa kaniya. Umupo naman siya sa katapat kong up

