Seffira’s POV Kasalukuyan akong nasa aking kuwarto ngayon habang tulalang nakatingin sa harap ng salamin. Isang linggo na ang nakakalipas no’ng nangyari sa akin sa Singapore. Life and death ang naging sitwasyon ko roon buti na lang nakaya ng aking katawan. Nagpapasalamat din ako sa mga kasama ko dahil hindi nila ako pinabayaan. ‘‘Lalim ng iniisip natin ah?’’ tanong ni Jessa na nakatayo sa aking likuran at nakikita ko siya sa salamin. Sa loob ng dalawang linggo tanging siya lang ang nakakausap ko sa kuwartong ito kahit imagination ko lang siya. At dahil sa kaniya naiiwasan ko ang malungkot sa kabila ng mga nangyayari sa akin. Tumayo naman ako at umupo sa kama at kinuha ang aking unan at inilagay sa aking lap. ‘‘Oo eh, gusto ko na kasing makapag-isip ng mga plano para sa gagawing paghi

