Kyla/Seffira’s POV FLASBACK Kasalukuyan akonng pauwi ngayon galing school. Masaya ako dahil may dala akong magandang balita para kay Mama at Papa. Natanggap kasi ako sa dream university ko na kung saan iyon ang papasukan sa susunod na pasukan. Bali sa susunod na pasukan ay first year college na ako, kaya alam kong matutuwa talaga sila sa oras na sabihin ko ang dala-dala kong balita. ‘‘Ma…? Pa…?’’ tawag ko sa kanila kahit nasa gate pa lang ako ng bahay namin. Nagtataka naman ako dahil walang sumasagot sa akin. Diri-diritso lang ako sa loob at pagkarating ko sa sala wala akong nadatnan, pero may naririnig akong nag-uusap banda sa kwarto ng aking mga magulang, kaya dahan-dahan akong naglakad patungo roon. ‘‘B-Ben, pa’no natin sasabihin sa kaniya na Ampon lang natin siya?’’ Ang u

