Seffira’s POV Nandito na ako ngayon sa loob ng isang meeting room kasama ang mga head ng company. Katabi ko ngayon si Joseph dahil iyon ang utos niya sa akin. Wala naman akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya. May magaganap na photoshoot na naman pero ngayon ay outdoor naman. ‘‘I know for sure na papatok itong si Seffira sa mga buyers natin because of her beautiful face and aside from that, her personality,’’ paliwanag ni tita Eren ngayon sa mga board members. Napayuko naman ako dahil sa hiya, hindi pa kasi ako sanay sa ganiyang puri. Itong katabi ko naman ay panay tingin sa akin kaya hindi ko maiwasang kurutin siya ng lihim pero ang loko tawang-tawa lang. ‘‘Actually, this will be tomorrow na huh?’’ ani ni Tita sabay tingin sa akin. ‘‘Are you okay with it Seffira?’’ she asked m

