Mildred’s POV Papunta na ako ngayon sa hide out nila Lando dahil kanilang sasakyan ang aming gagamitin. Naka-leather jacket akong itim at pants na black na medyo transparent at boots na itim. Nagmukha akong leader ng isang gang. At sa kaliwang bewan ko naman nakasabit ang baril kong dala. Bahala na kahit wala akong ideya masyado sa paggamit ng baril, gagawin ko pa rin ang lahat mailigtas lang sila. Kailangan kong bumawi kay ate Shaira at kay Seffira. Makalipas ang ilang minutong pagmamaneho nakarating naman ako. Dali-dali kong ipinarada ang kotse ko at agad ding bumaba. Nakita ko naman ang tauhan ni Lando na handa na rin sa operasyon naming gagawin. ‘‘Ano handa ka na ba?’’ tanong sa akin ni Lando. ‘‘Oo, tara na?’’ turan ko naman sa kaniya. Pumasok na kami sa isang van kasama ang i

