Wala kaming imikan ni Thunder hanggang sa nakauwi ng bahay. Sobrang bilis ng mga nangyayari. Parang pinakilig lang ako ng konte tas balik na naman sa sakit. Para akong nasa kumunoy at unti unting nalulunod. Ito naman talaga ang dapat mangyari diba.. Inaasahan ko naman ito.. Pero bakit parang mas masakit.. Nakakabingi yong tensyon.Pinilit kong kumilos ng normal habang karga si Zammy. Nong bumaba ako sa kotse nakita kong nasa harap namin si Georgia. Napangiti ito ng makita kami. Nanigas si Thunder sa tabi ko, si Zam naman nagmamadaling bumaba mula sa akin at tumakbo papunta sa babae. "mommy! I miss you! " Ramdam ko ang tingin ni Thunder sa akin.Hindi siya umalis sa tabi ko kahit nasa harap niya na si Georgia. Huminga ako ng malalim.Kinalma ang sarili at tuloy tuloy na pumasok sa loob.

