Hindi ako kinibo ni Zam hanggang sa nakarating kami sa school nila.Tipid siyang sumasagot sa mga tanong ko at sinusunod niya naman ang mga utos ko. I'm giving him time to udjust. Lahat yata ng character ni Thunder nakuha niya. At hindi ko maiwasang kabahan.Napakabata niya pa pero parang malaki na siya kung kumilos at magsalita.. Hinatid ko siya hanggang sa pinto ng room. Nakita ko ulit yong teacher. Nginitian niya ako. "Im his nanny,"Paliwanag ko at baka bigla na naman niya akong paalisin. "Mr Machman mentioned you.. I apologize for yesterday" Tipid akong ngumiti. Sinilip ko yong anak ko hanggang sa makaupo ito sa kanyang puwesto at nakipagkulitan sa ibang bata. Umalis ako doon at muling umupo sa mga bench kung nasaan yong ibang magulang. Simple lang yong lunch na niluto ko. Tinolang

