"Bestie, tawagan mo agad ako pag magkaproblema ha? Alam mo naman 'yang inaanak mo kung anu ano ang pumapasok sa utak," Bilin ko kay Bestie. Nandito kami ngayon sa private university na pinagtatrabahuhan niya. Hindi na ako nagtataka kung bakit malaki rin ang pasahod dahil mukhang mayaman nga talaga ang may-ari nitong eskwelahan. Kompleto ito mula grade school hanggang college level kaya masyadong malaki ang eskwelahan. "Oo naman Best, huwag kang mag-alala ako nang bahala sa kanya. Isa pa andyan ka lang naman sa kabilang kalye eh. Hindi rin naman gaano karami ang subjects na load ko kaya mababantayan ko talaga siya." Si Bestie. "Kahit na 'no, baka kasi masyado ka na naming naaabala ni Skeet." "Bestie naman! Ayan ka na naman eh. Sinabi nang wala sa'kin 'yon. Isa pa pamilya na ang turing ko

