Nang makaliko ang tricycle sa may kanto malapit sa malapad na daan ay napansin namin na may kabuntot sa'ming isa pang tricycle na may isang pasahero ang lulan. May ilang metro pa na malubak na daan ay naroon ang bahay na bato nila Jennifer. Nakaririwasa ang pamilya ni Jennifer. Siguro ay may 500 sqm ang lawak ng bakuran nila at isang bungalow na 3 bedrooms, na siguro ay 100 sqm ang floor area. Mga kawayan at barb wire ang nagsisilbing bakod nila at tanging ang gate nila ang gawa sa bakal at bato. Animo ay daratnan namin ang bahay nila na walang tao. Madilim ang buong kabahayan at tanging lente lamang ng tricycle ang umaaninag sa aming kapaligiran.
"Manong, bayad po. Chris itulak mo agad 'yung gate pagbaba natin. Ta, sila Cons 'ata yang kasunod natin, ay!!"
"Oo... Sinundan pala nila tayo."
Ganun na nga ang ginawa ko at itinulak ko ang gate at maliksi ding nakakilos si Jennifer at 'di ko namalayang kasunod ko na ring pumasok. Nang maikandado ni Jennifer ang gate ay karipas n'yang tinungo ang harapan ng bahay at i-switch ang ilaw.
"Anong ginagawa n'yo dito, Cons? Bakit n'yo kami sinundan?", pahangos hangos na pag-uusisa ni Jennifer.
Mabuti na lang at parang nakahalata si Manong driver na may tens'yon at dalang banta itong sumunod sa aming tricycle.
"Jennifer, anong problema dito? Ginugulo ka ba nitong mga 'to?", usisa ni Manong.
"Ewan ko sa mga 'yan. Ta, kaya nga kami sa PSU pumunta dahil iniiwasan namin sila. Kaya doon na kami nakasakay sa inyo sa tricycle!!"
"Cons, ano bang problema?", kailangan ko na rin sigurong kumprontahin itong abnormal na 'to.
"Bakit kasa-kasama mo si Jennifer, ta... ang pangit pangit mo!!"
"Oo, sige ikaw na ang gwapo... pero bakit nga ba ako ang kasa-kasama n'ya?", babarahin ko na itong animal na ito!
Hindi siya makasagot at may sinasabi s'ya sa kanyang wika na 'di ko maintindihan.
"May gusto ka ba kay Jennifer?"
Hindi s'ya makasagot ng diretso at tuloy lang sa mga panunukso n'ya sa akin sa kanyang wika na 'di ko talaga naiintindihan.
"Bakit hindi mo sa kanya deretsong sabihin na may gusto ka? Bakit 'di mo siya ligawan? Ang dami dami mong sinasabing pamimintas sa akin 'di ko naman naiintindihan!!", kailangan kong bumangka pa.
"Kung tunay kang lalake ligawan mo si Jennifer, 'wag yung pinagti-tripan mo 'ko para magpasikat sa kanya!"
Maya maya nga ay 'di na nakapagsalita si Cons.
Sa ganitong edad ko, alam ko na may tendency ako na maging psychotic. Alam ko lumaro ng ego ng tao. Natatahimik lang si Jennifer na parang noon n'ya lang ako nakita kung paano makipagsagutan. 'Di pa rin umaalis si Manong driver.
"Fer, pumasok ka na sa loob, maya maya aalis na rin ako para walang gulo. D'yan lang naman ako sa Cempelco kay Ma'am Donaldo."
Sinandya kong banggitin ang pangalan ng tiyahin ko dahil alam kong adviser s'ya nung tricycle boy na kasama nila at ni Robert.
"Kaano ano mo si Ma'am Donaldo?"
"Auntie ko.", malakas kong sagot.
"Cons, kung wala ka nang sasabihin umalis ka na lang.", wala na rin s'yang magagawa dahil nalaman na ng mga kasamahan n'ya na pupulutin sila sa kangkungan sa Lunes kung mabalitaan ng Auntie ko ang ginagawa nila sa akin.
Nung sumibat na ang dalawang tricycle ay pumasok na kami sa loob ng bahay. Pagkapasok namin ay napansin ko ang mabilis na kilos ni Jennifer sa paga-atupag sa mga gawaing bahay. Nariyan na, s'ya na nagwawalis, naghinaw ng isasaing na bigas, sinalinan ng tubig ang mga pitsel sa ref... Nakakamangha si Jennifer na akala mo ay may asawa na kung kumilos. 'Di pa siya nakapagpapalit ng uniform n'yan.
Nang makatapos na s'ya sa lahat ng gawaing bahay ay saka lang s'ya pumasok sa k'warto at saka nagpalit ng pambahay. Paglabas niya ay naka-dilaw s'ya na damit na medyo maluwag at itim na parang cycling shorts... Ewan ko pero basta hapit. Tapos nun naririnig ko na lang na parang may inililigpit s'ya sa likod bahay dahil nagkakalansingan ang mga bote at plastic na bagay.
"Ba't di ka muna maupo, Fer? Kararating mo lang ang dami mo nang ginagawa. Magpahinga ka muna kaya?"
"Ganito talaga ako pagkauwi ng bahay. Naglilinis, ta kaninang umaga umalis silang lahat nagpunta sa kabilang bahay namin. E, ito kapag iniwang ganito walang ibang gagawa."
"Panganay ka, 'no?"
"Oo, ako ang panganay. Tapos ang mga sumunod sa akin ay five at four na ang edad. Ako na ang pumalit sa nanay ko."
"Asan na ba ang nanay mo?", 'di ko napigilang mag-usisa kahit alam kong 'di nakakatuwa ang tanong ko.
"Iniwan kami pagkapanganak sa bunso namin. Ta, si papa ko na-stroke, hindi na maka-trabaho. Ngayon, lahat ng mga ari-arian namin napupunta lang sa pagpapagamot kay Papa."
Nakinig na lang din ako sa mga sunod sunod n'yang ikinukwento. Huminto na akong sumabat para s'ya na lang ang pumili ng mga mapaguusapan at para na rin mailayo namin sa ibang bagay ang paksa namin. Sana 'yung 'di naman masyadong nakabibigat sa pakiramdam.
Nasa mga lola n'ya noong araw na iyon ang mga kapatid n'ya. Doon din inaalagaan ang kanyang tatay. S'ya naman daw ay 'di rin naman gustong nagpupunta kung saan saan. Gusto n'ya naroon lang s'ya sa bahay.
"Di ka natatakot dito na baka pasukin ka ng tao? E, paano kung reypin ka? Patayin ka?", dito na namin nadadala ang usapan namin.
"E, di reypin... Patayin na rin at least nakatikim ako ng luto ng Dios, Ha ha!!", dark humor ng gagang 'to.
At least nakakapagbiro pa s'ya miski ganun. Para kasing pagod na pagod na s'ya sa dinadalang problema ng kanyang pamilya.
"Gusto ko maipakasal na lang sa 4M."
"Ano 'yun?"
"Matandang Mayaman Madaling Mamatay, Ha ha ha ha!!", sabay parang humihikbi n'yang tawa. 'Di ko masabayan ang tawa n'ya parang malalim ang pinaghuhugutan. Ang babaw niyang patawanin.
"Si Cons, bakit parang inis na inis ka sa kanya?"
"Ta, mayabang! Ayaw ko ng lalaking sobrang hangin. Lagi ka niyang binabalaw (nilalait)."
"Okay lang naman. Wala naman sa akin yun 'di ko kasi naiintindihan ang salita ninyo."
"Pero wag kang papayag na ginaganun ka n'ya. Kaya siguro ganun s'ya kasi middle child. 'Di gaya nating dalawa pareho tayong panganay. Matured mag-isip."
"Pero parang mas matured ka sa akin, Fer."
"Matanda ako sa iyo ng dalawang taon kasi tumigil ako ng dalawang taon."
"Ah, okay.... so, mga 15 years old ka na? Kaya pala ang tangkad mo. Tsaka matured na katawan mo.", 'di rin ako minsan marunong pumili ng salitang bibitawan. Nung narinig n'ya 'yung salitang "mature na katawan.." ay sumabat na s'ya.
"Anong matured ang katawan?", nakangiti siya na nakakaloko.
"Alam mo na 'yun! Ito naman!"
"Sabihin mo, tayo lang dito e..."
"Una matangkad ka nga..."
"Tapos??"
"Sexy...."
"Ano pa?"
"Malaki ang hita."
"Ano pa?"
"Malaki ang balakang!!"
"Ano pa?"
"Malaki ang bibig!!", nilalaro ko na lang ang sinasabi ko at alam ko namang dinadala n'ya ako sa usapang 'yun. Pero sige pagbigyan natin masaya naman s'ya e.
"Ano pa?"
"Malaki ang... boobs..", mabilis at medyo mahina kong sambit sa huling salita.
"Ano?"
"Boobs", mahina pa rin.
"Ano? Lakasan mo!"
"Malaki ang boobs!", normal na lakas at medyo mabilis.
"Paano mo nasabi 'di mo pa naman nakikita?"
"Kahit papaano sa hubog ng katawan mo kapag naka-uniform. E, kung ikukumpara mo sa mga kaklase nating babae para silang tabla!!"
"Ha ha ha ha!! Sira ulo ka, Chris... Ikaw pinagpapantasyahan mo 'ko, a!!"
"Masama ba 'yun? E, 'di ba parang admiration ang ganun--- paghanga?", tapos biglang tumuro 'yung mata ko sa dibdib n'ya at nahuli n'ya naman yun!
"Bastos!!"
"Sorry... sorry! Change topic na."
Pagkasabi ko nu'n ay pinatay n'ya ang kalan at pumasok uli sa kanyang kuwarto.