Inilabas ni Jennifer ang isang single na motor. Hindi ko alam ang brand at model pero old school siya; 2 stroke -- de 2t. Nilalamon ako ng inggit noon at mangha na rin; kasi marunong siyang mag-motor, pero ako ay hindi! Pinabukas niya sa akin ang gate at pinaandar niya yun dahil pababa ang lupa mula sa bakuran nila patungo sa rough road. Nang maisara ko ang gate ay. Umangkas na ako sa kanyang motor.
"'Di ba diyan lang sa may CEMPELCO? Huwag kang masyadong malikot umupo at itapak mo 'yang mga paa mo sa d'yan sa step nut."
"Sanay kang magmaneho, a? Baka sumemplang tayo?", pagaalala ko.
"Hindi a. Basta 'wag kang kokontra. Grade five pa lang ako master ko na 'tong motor na 'to."
"Broom!!!!", maayos namang magpatakbo si Jennifer. Hindi siya alanganin sa daan at kumpiyansa sa bilis ng takbo niya. Maya maya lang ay narating namin ang bahay ni Auntie.
"Tok tok tok... Tao po, Ante...", tumawag ako.
"Ay, si Kuya Tom-Tom... Maa!!!!", sigaw ng pinsan ko.
"Maaaa!!!! Na'ndito si Kuya Tom-Tom may kasamang girlfriend!!"
"Pumasok kayo dito Tom-Tom!!! Dumiretso kayo dito sa kusina!", hiyaw ni Ante na nasa halos dulo ng bahay. Pumasok kami ni Jennifer at nagigiliw siya sa isa ko pang pinsang babae na musmos pa noon. Kinarga niya ito at isinama sa amin papuntang kusina. Magiliw sa bata si Jennifer. Kaya walang minuto na hindi siya nakikipaglaro sa pinsan kong iyon. Miss lang daw talaga niya ang dalawa niyang kapatid na nasa poder na ng lola niya.
"Umupo kayong dalawa diyan. Anong gusto niyo, kape? Milo? O, magtimpla kayo. Magti-tinapay ba kayo o kanin? Ayan may sinangag.", itlog, tuyo, kamatis na may alamang ang ulam, paborito kong almusal, kaya lang nakikiramdam ako baka pihikan si Jennifer dahil pinili niyang mag-pandesal at Milo lang kaya naki-pandesal na lang din ako. Mechado ang ulam namin kagabi.
Pinaalis muna ni Ante ang mga pinsan ko at sabi umakyat muna sila sa kubo. Napapansin ko naman na parang hindi ata kami welcome ni Jennifer dahil parang bigla na lang naging tahimik si Ante, at 'di masyadong kumikibo. Kaharap kami ni Ante sa hapag, at nagkakape. Kaming dalawa ni Jennifer ay magkatabi. Pinatapos lang kami ni Ante at saka siya unti unti nagbukas ng usapan na 'di namin talaga inaasahan.
"Paano kayo nagkakilalang dalawa?", tanong ni Ante. Sandali muna kaming nagkatinginan ni Jennifer, at siniko niya ako na ako ang sumagot.
"Magka-klase kami Ante...", siguro maguusisa lang naman si Ante tungkol sa pagtulog ko sa bahay nila Jennifer kagabi. At kung magtanong siya kung may nangyari sa amin, e di itanggi!
"Ganyan na kayo ka-close simula pa na naging magkaklase kayo?"
"Hindi po, Ante... nagkakasama kami ni Chris sa mga groupings kaya madalas ko siyang nakakausap. Gagawa sana kami ng project kahapon, kaya lang inantay namin si Papa hindi dumating, kaya nagpasama ako sa bahay, ta, nagi-isa lang po ako.", paliwanag ni Jennifer. Nagsinungaling siya kung kaya dapat gatungan ko pa.
"Oo, Ante, dapat aalis din ako pagkadating ng papa niya. Kaso hindi dumating. Sa salas ako natulog, Ante."
"Hindi umuuwi ang papa mo diyan, Jennifer, dahil doon siya nakatira sa lola mo sa Calasiao. Sa nanay at tatay niya. Kilala ko ang father mo, Jennifer. 'Yang bahay ninyo d'yan sa taas alam ko yan dahil house blessing; kasama kami diyan pati ang mama ni Tom-Tom. Nasa tiyan ka pa lang ng Mama mo noon.", nagkakatinginan kami ni Jennifer at parang kinilabutan ako. Talagang nangapal ang batok ko.
"Kaya. Hindi ako naniniwala sa sinasabi ninyong dalawa. Nagsisinungaling kayo.", mahinahon pang tinig ni Ante.
"S-Sorry po.", si Jennifer na buhat noon ay nakaturo na pababa ang tingin at talagang kinain ng hiya. Hindi na siya halos nagsalita pa at nakinig na lang.
"Ante, wala naman kaming masamang ginagawa.", sabi ko.
"Mabuti kung ganu'n.", mabilis na sabat ni Ante na mahinahon naman.
Tumahimik kaming tatlo, at 'yun nga ang sumunod na mga sinabi ni Ante na nagpasikip ng dibdib at sintido ko.
"Ang lolo Acilino mo; ang tatay namin ng mama mo... At ang tatay ng papa ni Jennifer; ang tiyo Manolo, ay magkapatid. Kaya mag-second cousin kayong dalawa! Mag-pinsang buo kayo, dahil magkakapinsanan kami ni Mama mo (sa akin natingin si Ante), at Papa mo (kay Jennifer). Kaya kung anuman yang namamagitan sa inyo. Itigil niyo na. Hindi naman kayo masisising dalawa dahil 'di n'yo naman kasi alam."
Hindi na kami nakaimik. May pagkaminsan tumitingin kami kay Ante pero na-shock talaga ako. Hindi ko makibo si Jennifer, kahit anong alala ko. 'Di ko siya matignan kung siya ba ay napapaluha na. Narinig ko na lang siyang suminghot, at nangilid na rin ang luha ko. Pero hindi ko alam kung bakit. Wala kasi akong nararamdamang pagsisisi o guilt kung anumang namagitan at nangyari sa amin ni Jennifer.
"Wag ka nang umiyak, hija. Wala kang kasalanan. Wala kayong kasalanan dalawa. Alam ko ang sitwasyon mo; kaya nagkausap kami ng Papa mo, Jennifer; na ako ang kukupkop sa iyo. Hindi lang kita napagtuunan agad ng pansin dahil napaka-demanding ng trabaho ko. Puro graduating students ang hawak ko, at mga gumagawa ng term paper. Tapos ito pang pag-aaral ko ng masters. Pero nakausap ko na ang asawa ko, na aalalayan kita. Hindi natin kasi masabi ang sitwasyon niyo ng Papa mo.", pagkasabi ng mga huling salita ay humagulgol nang tuluyan si Jennifer. Saka ako pinahiwalay ni Ante ay sinabing umakyat muna ako sa kubo.
Nagsarilinan silang nagusap ni Ante.
Pakiramdam ko noon ay wala. Parang blangko ang lahat. Miski magnasa akong i-rewind sa utak ko at pagpantasyahan si Jennifer sa isip ko, nawala 'iyon.
"Kuya, girlfriend mo 'yung kasama mo?", si pinsan ko.
"Huh? Hindi a...", napatingin ako sa pinsan ko na may yamot.
"Pinsan natin 'yun. Si Ate Jennifer n'yo 'yun.", walang kagatol gatol na pagpapakilala ko sa kanila kay Jennifer.
Hindi na kami nagkalapit at nagkausap ni Jennifer ng araw na iyon. Naroon lang siya kasama si Ante sa kusina. Inabutan ako ng pera ni Ante, pamasahe ko daw at umuwi na ako doon sa kabila. Sinunod ko rin 'yun na walang pagtanggi. Hindi ko rin sinubukang magpaalam kay Jennifer o lingunin man lang siya. Para akong isang ligaw na kaluluwa.
....
Pagkapihit ko ng kandado ng gate ay may narinig akong yumabag na mga paa na nagmula sa kusina at alam kong may magbubukas ng pinto. Pagkabukas ng pinto ay si Dadoy.
"Pre, ba't iniwan mo ko?", pinagtampal namin ang mga palad bilang batian.
"Hinatid ko si Kate. Napasarap lang kwentuhan du'n."
"Tara, pre!", kinandado ko muna ang gate at pumasok ako. Ni-lock ni Dadoy ang pintuan. Direcho kami sa may dirty kitchen.
"Mukhang nakarami kayo ng inom ng utol ko a. Ano 'tol?", bati ko na rin sa utol ko.
Naupo ako na nanahimik na lang din. Nasa dirty kitchen kami. Si Dadoy ay lagi naman hyper kaya siya na ang bumasag ng katahimikan.
"Hinatid mo si Kate? Tang-ina, syota mo na pala 'yun! Kaya pala ihiniwalay mo sa amin?", sabay nagkakangitian kami.
"Bago lang kami, Pre.", mahina kong sagot. At nilingon ko si utol na talagang bihira akong kibuin.
"Tol", kinuha ko ang atensyon ni utol, "Totoo nagkalapit kami ni Kate nu'ng nagpunta siya sa atin sa Bulacan. Naging close kami nagkaigihan. E, hindi ko napigilan madaling gustuhin si Kate. Maganda kasi, cute... 'Di ko sinasadya, 'tol, na masulot siya. Hindi ko alam na prospect mo siya.", napatingin siya sa akin sa mga huling salita ko.
"Kung gusto mo siya, sabihin mo lang, 'tol magpaparaya ako. I-splitan ko.", dugtong ko pa. Sa loob-loob ko 'di ko kaya yung ganung ugali.
"Bakit parang ang layo ng loob n'yong mag-utol?", si Dadoy.
"Matagal kasi ako sa Pangasinan, pre. 'Dun ako mula 1st year hanggang 2nd year. Alam mo naman transfer di ba?"
"Kaya pala 'di kita nakikita 1st year, 2nd year. J.S Prom ko nakilala 'tong kuya mo, Arcy. May binanatan kaming makulit. Kinukursunada kasama kong babae. Pagkatapos nu'ng prom, pre, naalala mo pa?", kwento ni Dadoy.
"Ano... Doy, 'yung kasama mong 'yun. Niligawan ko 'yun kaso hindi ko tinuloy. Magulo pa kasi utak ko nu'n. 'Di ko pa kayang magka-girlfriend. May iniwan kasi ako sa Pangasinan, wala pa kaming closure. Kaya lang close ko na si Weng, 'yung syota mo; 'yung kasama mo nga nu'n. Nagsusumbong sa akin aabangan siya ng mga tropang babae nung nangungursunada sa kanya. Sinasama siya sa inuman. Sabi ko nu'n makasapak lang ako ng isa masisindak ko na 'to!. Ayun! Uwi sila, e. Tapos dumating ka... dumami sila. Kaya lang madaling gulatin yung mga putang-inang 'yun. Bad trip talaga ko nu'n, parang gusto kong bumili ng away. Kasi nga broken, pre... Wala akong mapagbalingan."
"Ganun ko nakilala tong Kuya mo, Cy. Panalo 'yan! 'Di ko masyadong nakaka-close pero pareho kami ng saltik. Kumakasa sa trouble! Kaya kinakaray ko sa mga lakad ko 'yan. Ayaw mo lang magpapalo, e. Sasaluhin naman kita. E, di sana magka-brad tayo ngayon."
"Wala 'yun. Ayaw kong maging frat."
"Ayos lang yun, pre!", tsaka ako inapiran ni Dadoy.
....
Maya maya...
"Pre, tigil mo muna natin yang sentimyento. May sasabihin kami ni Arcy.", pagbabago ng paksa ni Dadoy.
"Gusto mong kumantot, pre? And'yan pa yung dalawa ayaw pang umuwi! Mukhang gustong magpatira!", pabulong nitong si Dadoy.
"Sino?", tanong ko.
"Si Lorraine tsaka si Jessica. Nilalap na namin ng utol mo, walang palag!"
"O?", sambit ko. "E, di nakayari na rin pala 'tong si utol?", bulong ko rin.
"Almost, pre! Almost!! Almost but not quite!", pa-Ingglis nitong si Dadoy na di ko maintindihan ang ibig sabihin.
Unti unting sinaputan ng kadiliman ang utak ko nu'ng gabing 'yun.