Napasilip ako sa bintana at napansin sa may hardin na nakikipag-usap si Utt sa kanyang lolo, nang magitla ako sa kamay na humawak sa aking braso. I turned to see Celine. I instinctively placed my hands around my stomach to protect it. "Don't you know how to knock?" pataray kong tanong kay Celine. "The door was open." She sweetly smiled at me as if we didn't fight the other night. "Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya at umalis sa tabi ng malaking bintana. Mahirap na. Baka pag hindi ako nakapagpigil at makipagsapakan ako sa babaeng ito ay maitulak pa ako nito sa bintana. Tinungo ko na lang ang kama at ipinagpatuloy ang pagtitiklop ko ng damit. "Alam mo ba ang pinaguusapan nila sa baba?" she casually asked from behind like a devil that she was. Hindi ako nags

