29

3164 Words

Tinungo namin ang exit staircase at pumunta sa basement ng ospital upang sumakay sa Pajero na ibinigay ni lolo. Tama lang na hindi ko pagmamay-ari o ni Katniss ang ginamit namin upang kahit sino dito sa Maynila ay hindi maiisip na kami ang lumabas sa ospital. Kailangan namin ng ibayong pag-iingat. Mahirap na. Maraming mga mata, lalo pa't nakipagsanib puwersa na si Angela sa kalaban ni Gerard sa pagka-Vice Mayor.     Tahimik kaming naglakbay na walang nagkikibuan. Hindi man lang niya ako sinulyapan, samantalang ako ay nami-miss na ang paglalambing niya. Dati ay awtomatiko siyang humihilig sa akin. Pero simula kaninang makita niya si Gerard sa telebisyon ay ni magkusang humawak sa kamay ko ay hindi niya magawa. Doon siya sa labas ng bintana parating nakatitig at tila malalalim ang iniisip.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD