Caroline Faith's POV
Kanina pa akong kumakatok sa pintuan ng bahay nila Joanne pero wala pa ring balak pagbuksan ako. Bukas naman mga bintana ng bahay kaya paniguradong may tao sa loob. Ilang segundo pa lumipas bago bumukas at pinto. Gulat na gulat ang mukha ni Joanne ng makita ako.
"Pambihira ka namang babae ka. Wala ka man lang pasabi na pupunta ka ngayon." Naiinis niyang tugon habang tinitignan ang mga kalat sa kabuuang bahay. "Eh di sana nakapaglinis ako. Nakakahiya naman kasi sayo na makitang makalat ang bahay. " dagdag pa niya saka ako pinapasok sa loob.
"Maupo ka lang muna diyan. Linisan ko lang sandali itong mga kalat susko. Mga tao talaga dito ang tatamad." reklamo niya habang nililigpit na ang mga kalat.
Tinulungan ko na rin siyang ayusin ang silid subalit hindi siya pumayag, "Nako Carol, nakakahiya naman. Ikaw ang bisita tapos ikaw pa magliligpit ng mga ito."
"Ayos lang sa akin para madali ka nang matapos at makapagkwentuhan na tayo." tugon ko kaya napangiti lang siya.
"Salamat. Pasensya ka na talaga. Ang tatamad ng mga tao dito eh." Nakangiwi niyang saad.
Mahigit oras kaming naglinis sa bahay kaya pinagpawisan rin ako. Pagkatapos naming maglinis, nakita ko ang mga kapatid niya at ina nito na na kagagaling lang sa kwarto.
Nakangiti silang binati ako, "Oh Carol napadalaw ka ulit. Alam mo miss na miss ka ni Jo." Napatitig sa kanya si Joanne.
"Oo nga po eh. Alam mo naman busy po saka nakakahiyang mag-request na mag-request ng leave kay..." saglit naputol ang aking sasabihin dahil di ko na alam kung ano ba dapat itawag ko na sa kanya. Ano ba ito? Bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko. "Ahm, kay Sir Leander."
"Sir Leander?" Pang-aasar pa ni Joanne kaya natawa kanyang ina.
"Ah gan'on ba? Pero sana dalasan mo naman para marami tayong napag-uusapan." dagdag pa ni Tita Gracia.
"Paano naman ako 'Ma nasa work ako. So kayo lang ganun? Ang daya!" Nakangusong reaksyon ni Joanne kaya napangisi ako.
"Kayo muna dito. Ako na lang maghahanda ng tanghalian natin." sabi ni Tita Gracia saka siya nagtungo sa kusina.
"Uy, kamusta na kayo ni Sir Leander? Kayo na ba?" Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Joanne.
"Hindi ah. We are friends." sagot ko na lang.
Iyon naman talaga ang totoo, magkaibigan pa rin kami ni Lean pero hindi lang isang kaibigan ang turing ko sa kanya ngayon.
"Weh? Huwag mo akong lokohin diyan, Caroline Faith." nakangusong saad niya. "Sa itsura mo ngayon, hindi nga ba?"
"Hindi nga kasi!" paglilinaw ko sa kanya.
"Ano 'yan walang label pero may feelings para sa isa't isa?" dagdag pa niya. "Bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa kanya ang totoo na may feelings ka na for him? Kaysa ganito naghihintayan." Pahayag ni Joanne sa akin pero ako kasi 'yong tipo na babae na may pride na kahit gaano ko kagusto ang isang guy hindi ako iyong lalapit sa kanya.
Siyempre hihintayin ko na siya mismo ang gagawa ng first move. Ganyan din nangyari kay Tristan noon kahit mahal ko siya hindi ko nagawang umamin. Di ako sang-ayon sa sinasabi ni Joanne. Dalagang Filipina pa rin ako.
"Dapat lalaki ang unang magtatanong niyan at hindi ako." Muli kong paglilinaw sa kanya.
"So hihintayin mo siya na mismong magtanong sa'yo, gan'on?" Mabilis akong tumango kay Joanne pero dinuro niya ako isip dahil sa desisyon kong 'yon. "Iba na ngayon, Caroline Faith. Magpapakabebe ka pa, tzk!"
"Ayos lang kung di ko masunod ang ginagawa ng ibang babae..."
"Tapos paano kung inunahan ka na ng iba?" Napatingin naman ako sa kanya bigla.
Napabuntong-hininga ako at muling umayos ng upo, "Hindi naman siguro. Instinct?"
"Wow. Ang galing mo naman, Carol. May pa-instinct ka pang nalalaman diyan." aniya.
Naging mahaba pa ang usapan at diskusyon namin ni Joanne matapos kumain ng lunch. Sinabi ko sa kanya kung ano talaga ang nararamdaman ko para kay Lean. It is more really sounds different than what I feel for Tristan before. Ibang-iba nga talaga siya. Hindi ko ma-explain into words pero iyon ang napapansin ko.
May kaunti pa rin naman akong feelings para kay Tristan pero di na tulad ng dati. Matapos ang kwentuhan namin, nagdesisyon na rin ako umuwi dahil maaga pa ulit ako bukas. Aasikasuhin ko pa mga susuuotin ni Leander para sa mga susunod na mga araw, pati yung mga kurbata niya at mga sapatos.
Kasalukuyan akong naglalakad nang biglang may humablot sa akin braso.
"Tristan?" Gulat kong tanong sa kanya.
Papaano niya akong nasundan. Papaano niya nalaman na hindi naman ako lumuwas ng Pampangga para magtrabaho roon.
"Tama." bungad niya. "Nandito ka nga."
"Paano mo nalaman?" Halos di ko maigalaw ang mga binti sa kaba dahil sa nalaman niyang katotohanan na nagsinungaling ako sa kanya.
"Hindi na mahalaga kung saan ko nalaman, cef. I just wanted to know why you did you lie to me?" Nagbabalak siyang lumapit sa akin at nasinghot ko na amoy alak siya.
Umiinom siya? Kailan pa? Talaga bang wala na akong balita sa pinakamamahal kong bestfriend.
"I am sorry." Iyon lamang ang nasabi ko dahil sa hiya.
"Ok fine. Bakit di mo sinabi sa akin ang totoo? Bakit di mo sa akin sinabi na may asawa ka na pala?" Napakunot ang aking noo sa narinig.
"Wala pa akong asawa, TJ." paliwanag ko subalit hindi siya naniwala.
"How can I believe you since nakikita kong nakatira ka sa bahay ng boss mo?"
Paano niya nalaman 'yon? Tanging si lola at si Joanne lang ang nakakaalam niyon. Di naman ugali ng babae na 'yon ang mangtsismis.
"Nagtatrabaho lang ako sa kanya." muli kong paliwanag kay TJ at ngumisi lang siya.
"Cef naman. Huwag na tayong maglokohan. Kitang-kita ko sa mga mata ko na kung gaano kayo ka-sweet sa isa't isa." muling niyang saad na dahilan para malito ulit ako sinasabi niyan.
"Di kita niloloko, TJ. Hindi ako 'yong tipong sinungaling." Pagpipigil ko na ng pagtulo ng aking luha.
Nasasaktan ako sa sinasabi niya. Dahil sa tingin niya na gan'on lang ako klaseng babae.
"Dati pero ngayon hindi na." Lumunok ako at napagdesisyon ko ng tapusin ang pagtatalo namin tutal ayaw niyang maniwala sa sinasabi ko.
"Ok. Hanggang dito na lang." saka ako naglakad palayo na sa kanya ngunit pinigilan niya ako.
"Ano nanaman ba, TJ? Ayaw mo naman maniwala di ba? Pansin ko, bakit napaka-big deal sayo ang ganitong bagay?" saad ko at napatingala siya sa akin.
"Bakit lahat ng lalaki ng gusto manligaw sa akin pinipigilan mo? Bakit di mo ako hinahayaang maging masaya? Bestfriend ba talaga kita?"
Tahimik lang siya nakatitig sa akin at hinahayaan na lang niya ako magsalita ngayon.
"Now tell me, Tristan! Ang selfish mo kasi gusto mo ikaw lang ang masaya." Hindi pa rin siya nagsasalita kaya iniwaksi ko na ang nakakapit niyang braso sa aking braso.
"Aalis na ako." naglalakad na ako palayo sa kinaroroonan namin nang magsalita na siya ulit.
"Mahal kita, cef." Napatigil ako nang marinig ko ang salitang 'yon. "Mahal kita, Carol. Matagal na." dugtong pa niya. "Bata pa lang tayo, gusto na kita."
Hinarap ko siya ulit, "Paano? Si Ceska? Hindi mo siya minahal?"
"Ginamit ko lang siya baka sakaling maibsan ang nararamdaman ko para sayo."
May parti sa sarili ko na magalit sa ginawa niya. Rebound lang pala si Franceska.
"We broke a week ago." sabi niya pa.
"You hurt her." saad ko.
"Because I love you." muli niyang saad.
"TJ please? Itigil mo na 'to." Naglakad ulit ako nang yakapin niya ako sa bandang likuran.
Amoy na amoy ko ang alak sa hininga niya.
"Why?" Naiiyak niyang saad. "Siya ba ang dahilan?" Tumango ako.
"Huli na ang lahat, TJ." maikling sabi ko dahilan para bitawan niya ako at iharap ako sa kanya.
"What do you mean?" Tanong niya habang tinititigan niya ako sa mata.
"Minahal rin kita noon pero hinayaan ko lang baka kasi masira ang friendship nating dalawa." Paliwanag ko sa kanya kaya't napaawang ang kanyang bibig.
"Pero mas minahal ko siya..." Pagtukoy ko kay Leander.
Matapos ang usapan namin ni Joanne kanina mas na-realize ko kung ano talaga ang tunay kong nararamdaman at ngayon ko lang nakumpirma nang makaharap si TJ.
"Bakit di ka nagpakita ng motibo?" Curious niyang tanong pero tinalikuran ko na siya at nagsimula ulit maglakad pero muli nanaman niya akong niyakap sa aking likuran nang napakahigpit.
Ayaw na niya ako bitawan sa oras na ito pero kailangan. Mas lalo lang siya masasaktan kung ipipilit ko pa at masasaktan din si Lean na ayaw ko namang mangyari pa ulit katulad ng dati. Hindi niya deserved para masaktan sa lahat ng ginawa niyang kabutihan sa akin. Isa 'yan sa dahilan kung bakit natutunan ko rin siyang mahalin.
"Please naman, TJ. Hayaan mo na ako maging masaya. Magkaibigan pa naman tayo eh. Walang mababago doon."
Hindi pa rin niya ako binibitawan kaya nagpupumilit na akong pumiglas mula sa kanyang mga braso at tumakbo na palayo sa kinaroroonan niya.
Balang araw matatanggap din niya ang totoo.
Patuloy lang ulit ako sa paglalakad nang mahagip ng aking mga mata si Sir Cedric. Nagulat ako at di mapakali pero pinilit kong maging kalmado pa rin.
"Sinusundan mo ba ako?" Suspetsa kong tanong sa kanya.
"Actually nakita at narinig ko ang naging usapan niyo ng best friend mo."
Kaya mas lalo bumilis ang t***k ng puso ko sa nerbyos.
"Sige, ikwento mo na kay Lean lahat ng natuklasan mo." Sarkastiko kong saad sa kanya.
"No. Why will I do that?" Kinuotan ko siya ng noo sa sinambit niya.
"Nagmamang-maangan ka pa. Di ba ito yung gusto niyo? Makakuha ng impormasyon sa'kin?" Tanong ko ulit pero napahilamos naman siya ng mukha na mas ikinapagtaka ko pa.
"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na tumigil na ako?" Naiinis na niyang tanong.
"Sa palagay mo ganoon na lang para madali ako mapaniwala. No way. Kung ako sayo magpakatotoo ka na lang. Kasi wala namang kwenta ang pagsisinungaling mo." giit ko sa kanya at iniwan na rin siya ang naglakad palayo.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya, "Fine. Pero papatunayan ko sa iyo na totoo ang mga sinasabi ko at malinis ang intention ko." paliwanag niya pero binalewala ko lang 'yon.
Sobrang hirap magtiwala sa isang taong naging kaaway mo noon. Baka taktika niya lang na kunin ang loob ko pero di ako ganung klaseng tao. Nagkamali siya ng diskarte. Palpak.
"Bahala ka!" Sigaw ko sa kanya saka na ako tuluyang lumayo sa kinaroroonan ko kanina.