"May lalakarin ka?" Napatingin ako sa kakagising lang na si Christian. Kakalabas ko lang ng banyo, kakatapos lang maligo. Maaga pa. It's like 5 in the morning. I'm surprised he's up early. "Mamaya pa. Pupunta ako kina Zayla dahil hindi ako natuloy kahapon. Bakit? May plano ka ba?" Marahan siyang tumayo mula sa kama at sumandal sa head board ng kama. "Actually, may ipapakiusap sana ako sayo ngayong araw pero kung importante ang lakad mo, wag na lang." "Ano ba yung ipapakiusap mo?" "Well... Mom texted me kagabi, hindi ko napansin at ngayon ko lang nabasa. Nagpapasama siya sa akin na mag-shopping. Usually, si Lawrence yung sumasama sa kanya but you know what happened. He's not in a good condition yet. I have a lot of thing

