Hindi na namin nahanap ang phone ko. I was so f*****g pissed. "You didn't take it, did you?" nagdududa kong tanong kay Christian. I mean, kami lang dalawa ang andito and imposible talaga na nawala na lang yun bigla unless someone took it. He laughed. "Ba't ko naman yun kukunin? I can buy you kahit ilang cellphone pa yan. Why are you stressing about it, anyway? Magpapabili na lang ako sa sekretarya ko ng bago para sayo." Humugot ako ng malalim na hininga. "Then where the f**k did it go??? Nakakainis. I really need it now. I have to call Miggy." "You can borrow my phone." aniya. "Numero ko nga di ko kabisado, sa kanila pa ba? 911 lang ang saulo ko, Christian." He chuckled. Sinamaan ko siya ng tingi

