Nanatili lang ako sa bahay buong araw. Hindi matanggal sa isip ko yung nakita. Napanaginipan ko pa nga nung nakatulog ako. Sobrang lakas nung takot sa puso ko and... And I'm not really sure kung saan ako natatakot. Natatakot ba ako dahil nalaman kong may ibang side ang pagkatao ang taong mahal ko? O takot ba ako dahil kahit nasaksihan ko na nga pilit ko pa ring pinapaniwala ang sarili na hindi siya yun? Ilang beses na tumawag si Christian pero hindi ko yun sinagot. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Do I just pretend I didn't see that? Magbubulag-bulagan na lang ba ako? I don't even know what happened to that person. I know Christian will never kill a human being. Okey. He's an asshole. Gago siya at nananakit siya ng tao pero hindi naman siguro aabot sa point na p

