SIX

1282 Words
GABRIELLA MARIE's POV After namin kumain ng lunch dumiretos kami sa casa, kung san mag papaayos ng sasakyan si Kuya Hans. Nakaupo lang kami ngayon sa waiting area. "Kuya, pano mo nga pala nakilala si Sophia?" Nakalimutan ko kasi tanungin siya kanina sa restaurant.  Pagkaalis kasi nila Hayme eh nag kwento agad si Kuya Hans about sa mga babaeng pinaasa niya.  "Pinsan niya yung kaibigan ko"  Bigla ko naman naalala yung pinsan ni Sophia na tingin ng tingin kay Ate Jae.  "Ah kaya pala, nung may dumating kanina na pinsan ni Sophia, eh parang pamilyar sa'kin" Kwento ko.  "Ah oo, na meet mo na si Carlo one time, kaso nag mamadali ka nun eh kaya di mo siya masyado nakilala" Kuya Hans said. I just nodded.  "Teka nga pala,fiancee niya yung kasama niya kanina diba?" Tanong ni Kuya Hans.  "Oo. Bat mo natanong?" "Sigurado ka ba talaga? Mahal na mahal ba talaga nila ang isa't isa?" Napairap na lang ako sa kakulitan ni Kuya Hans. "Oo naman, kaya nga sila mag papakasal kasi mahal nila ang isa't isa!" Teka bat ang bitter ko pakinggan? "Eh bat nung pinakilala kita na girl friend kita eh kulang na lang tanggalin niya yung kamay ko sa kamay mo at hilain ka palabas para ma solo ka" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Kuya Hans.  "Naka drugs ka ba?"  "Gagi! Seryoso kasi ako,yung istura niya ganun na ganun yung istura ng mga manliligaw mo sa Cebu tuwing sinasabi ko sakanila na boyfriend mo ako" Napairap na lang ako sa sinabi niya. Ganito ba si Kuya Hans pag walang nilalanding babae buong araw? Napaka impossible kasi ng mga sinasabi niya. "Alam mo Kuya Hans, kaya ganun si Hayme kanina kasi dapat plaplanuhin namin yung wedding nila after lunch, eh tinanggihan ko kasi sinabi ko may mas importante akong gagawin kesa sa pag plano ng wedding nila" Explain ko. "Kaya naman pala mukang galit na galit! Baliw ka talaga Gabi. Hay sabi na nga ba love mo talaga ang Kuya Hans mo" "Yuck. No way. Mas love ko yang car mo. Kaya nga ako andito diba, dahil sa car mo" I said. "Whatever!"  Hindi ko na lang siya pinansin. Maya maya nag text sakin si Ate Jae na wag ko daw kalimutan na pumunta sakanila mamaya para mag dinner. Nag reply naman ako na by 7PM nasakanila nako.  ----------------------------------------- Hayme's POV I really can't believe this! She ditched me, I mean us! Just because of that guy! Sabi niya mas importante pa ang lakad niya ngayon, tas malalaman ko nakikipag date lang siya?! She's unbelievable! After naming makausap sila, hindi na ako nakapag focus sa pag plan ng wedding namin ni Sophia, kaya pinauwi ko na lang siya ng maaga. It's okay with her kasi may lakad din naman daw siya.  Andito ako ngayon sa bahay namin, maya maya eh mag di-dinner na kami.  "Oh little brother, bat ka nakasimangot diyan?" Ate Jae asked. Nasa living room kami. Nanonood ng tv.  "Well dapat pla-planuhin namin ni Sophia yung wedding namin with Gabi. But she ditched us! I thought it was really important, pero nakita lang namin siyang nakikipag date!" Kwento ko. "Date?!" Halatang nagulat si Ate sa sinabi ko, "Yes!" Sigaw ko. Biglang tumawa naman si Ate. Anong problema ng buntis na 'to? "Bat ka tumatawa?" Inis kong tanong sa kanya. "Seloso ka kasi" Hindi ko naman narinig yung sinabi niya. "What did you say?" "Wala! Wag ka ng sumimangot diyan. Mag di-dinner naman siya satin ngayon eh. She said andito na siya ng 7 PM" Paalala sakin ni Ate Jae.  Bigla naman akong napangiti sa sinabi niya.  ---------------------------------------------------- GABRIELLA MARIE's POV Andito na kami ngayon sa harap ng bahay nila Mam Nadine. Hinatid na rin ako ni Kuya Hans kasi nga di ko dinala sasakyan ko ngayon. "Thank you Kuya Hans! Labas ulit tayo ah, libre mo ulit" Sabi ko sakanya.  "Muka ka talagang libre, kaya ka di nagkaka boyfriend eh.Sige na alis na lalandi pa ako" He said. Ang landi talaga ng lalaking ito.  "K. Bye!" I said then lumabas na ng sasakyan niya. "Ingat ka ah!" He said bago ko masara ang pinto.  Pagkasara ko ng pinto agad siyang umalis. Sus na miss na niya talaga ang mang landi. Mag do-door bell na sana ako kaso biglang bumakas ang gate at inuluwa nito si Hayme. "Oh bat di mo man lang pinapasok boyfriend mo?" Nang aasar niyang sabi. Alam kong galit parin siya saakin. "He's not my boyfriend. He's just my friend" I said. Lalagapasan ko na sana siya kaso bigla nanaman siyang nag salita. "May magkaibigan na pala na sobrang sweet" Bigla akong nainis sa sinabi niya. "Pwede ba, kaibigan ko nga lang siya. He's my brother's bestfriend! Para ko na rin siyang kuya. Lagi niya kasing trip gawin yun okay? Atsaka bat ko ba ini-explain ang sarili ko sayo? I'm just your wedding planner" I said then tuluyan na akong pumasok sa loob. Pagkapasok ko ng bahay nila,agad akong sinalubong ni Mam Nadine and Ate Jae. "Omg! Gabi you're here!!" Sigaw ni Ate Jae then agad akong niyakap. Pinaglilihian niya talaga ako.  "Mabuti naman nakarating ka" Mam Nadine said while smiling.  Pumunta naman kami sa dining room, pag dating ko andun yung asawa ni Mam Nadine na si Sir James. "Good evening po" Magalang kong bati kay Sir James. Ngumiti naman siya.  "Good evening iha,tara upo na tayo" Yaya niya kaya umupo naman kami.  Di ko naman namalayan na kasunod na rin pala namin si Hayme. Habang kumakain kami eh, patuloy akong pinagigilan ni Ate Jae. Grabe ang paglilihi niya saakin! "Baby Jae baka naman mapunit na ang pisngi ni Gabi kaka kurot mo sakanya" Mam Nadine said.  "Okay lang po" I said. Naiintindihan ko naman kasi buntis si Ate Jae. "Grabe Mommy,sobra akong naglilihi kay Gabi! Alam mo dito ka na lang kaya tumira!" Nagulat naman kaming lahat sa sinabi ni Ate Jae. Pero si Hayme bigla siyang ngumisi.  "Baby Jae, nakakahiya naman kay Gabi" Sir James said.  Tinignan ko naman si Ate Jae bigla namang siyang umiyak. Kaya bigla akong nataranta.  "Ha-la Ate Jae" Sinubukan ko siyang pakalmahin kaso lalong lumakas ang iyak niya. "A-te! Wag ka ng umiyak,Sige di-to muna ako titira" Nagulat sila sa sinabi ko. Kahit ako nagulat din ako.  Biglang tumigil sa kakaiyak si Ate Jae. "Ta-laga?" I nodded. "Yehey!!!" Bumalik ang sigla ni Ate Jae at kumain na lang siya ulit. Ganito ba talaga pag buntis? Tumingin naman ako kay Hayme. He's smiling.  After namin kumain eh kinausap ako ni Mam Nadine and Sir James. Tinanong naman nila ako kung okay lang ba talaga na dito ako tumira.  Sabi ko naman eh okay lang kasi pansamantala lang naman kesa naman umiyak ng umiyak si Ate Jae kakahanap sakin baka makasama pa sa baby niya.  Nag paalam ako na uuwi muna ako sa condo ko para makapag impake at bumalik na lang bukas ng umaga bago pumasok.  Lalabas na sana ako kaso pinigilan ako ni Hayme.  "Hahatid na kita, I'll help you to pack your things" Alok niya.  "Wag na hahatid naman ako ng driver niyo. Atsaka ano ba ang pinagsasasabi mo na tutulungan mo ako?! Kaya ko na sarili ko!" I said.  "Tutulungan kita para makalipat ka na agad ngayon." Napairap naman ako sa sinabi niya.  "Pwede ba Hayme wag ka ng makulit. Ano lilipit agad ako ngayon?! Di ba pwedeng bukas na lang?! Uso mag pahinga!"  Mag sasalita na sana siya kaso pinigilan ko na siya.  "Sige isa pang kulit mo hindi na ako lilipat dito" Mukang wala naman siyang nagawa.  Tinalikuran ko na lang siya at sumakay sa sasakyan nila para maihatid na ako ng driver nila.  Bat na ang kulit niya?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD