SINASABI ko na nga ba, pina-paranoid lang ako ng bitchesang Mirabelle na iyon. Hawak ko na ngayon ang DNA test result at 99.99 percent ang result. Ibig sabihin ay totoong anak ako nina mommy at daddy. Humanda sa akin ang babaeng iyon! Pababa ako ng hagdan nang makasalubong ko si Mirabelle. Paakyat naman siya. Hinawakan ko siya sa braso nang mahigpit at isinalampak sa mukha ko ang papel kung saan nakalagay ang result ng DNA test. “You’re a b***h! Inaano ba kita?!” gigil na bulyaw niya sa akin. “Sinampal lang naman kita ng katotohanan! Pinaranoid mo lang ako, right? `Yong sinabi mo na bakit hindi ako nagtataka kung bakit parang hindi ako mahal nina mommy at daddy. DNA test result `yang sinampal ko sa iyo!” “What? Sineryoso mo talaga ang sinabi ko, my ugly sister? Anong tingin mo? Nasa so

