CHAPTER 35 JINX POINT OF VIEW “Naging abala kasi akong buhayin ang pamilya ko at siguro dahil nahihiya na din ako sa biglang pagbulusok ng aking buhay. Hindi ko na nabigyan ng importansiya ang aming pagkakaibigan ni Xian dahil sa dami ng aking mga pinagdaanan. Pero sa kabila ng lahat ay hindi niya nagawang makalimot gaano man kalayo ang kaniyang narating. Siya yung kaibigan na hindi nagsasawang suportahan ako sa kabila ng hindi ko pagbibigay ng kahit katiting na kahalagahan ang aming pinagsamahan. Sinabi niyang siya na daw ang bahala sa paghahanap ng trabaho ko sa Doha, Qatar kasama na din ang pagbili niya ng visa ko at tiket sa eroplano.” “Ah kaya ka pala nakapag-abroad dahil sa kanya.” Tumango si James. “Lahat mga gastos sa pangingibang bansa ko ay sinagot niya. Sinubukan ko ding umu

