Chapter 28 Jinx Point of View Nahirapan ako, ilang taon din akong nanatiling malungkot ngunit ginagamit ko ang sakit na iyon para lalong mapabuti ang estado ng aking buhay. Pumasa ako sa board at naging Certified Public Accountant. Hindi ako nakuntento at ipinagpatuloy kong nag-aral at kumuha ng Law. Hindi ako yung taong kapag nasaktan ay nanghihina o kaya wala ng ganang ipagpatuloy ang buhay. Ako yung taong mas lumalaban sa buhay sa tuwing sinasaktan at nabibigo sa pag-ibig. Hanggang sa dumating sa buhay ko si Clyde. Mahal ko si Clyde, mahal na mahal ngunit iba ang paniniwala niya sa relasyon. Hindi man ganoon ang gusto ko ngunit kahit labag sa kalooban ko ay sumunod ako, umaasang kapag tuluyan na siyang mahulog sa akin ay magbabago din ang tingin niya sa akin. Ngunit nabigo ako. Sina

