CHAPTER 14 JINX POINT OF VIEW Parang binagsakan ako ng langit at hindi makahinga sa sobrang pagkakadagan sa akin ng mundo. Walang tigil ang aking pag-iyak. Walang sawa akong inalalayan ni Bruce. Hindi ako makakain, hindi makatulog at tanging si nana yang parang nakikita ko. Sa libing ay tahimik akong sumilip sa huling hantungan ni nanay. Nakita ako ni James ngunit tinataguan ko si tatay. Natatakot kasi ako sa maaari niyang gawin sa akin. Nakihagulgol din ako sa paghagulgol ng pamilya ko kahit malayo ako. Nasa tabi ni James si Xian ngunit alam kong hindi siya napapansin ng kapatid ko. Nakaakbay si Xian kay James at si Bruce naman sa akin. Nang wala ng naiwan sa libingan ni nanay ay saka lang ako nakalapit pero hindi ko na nakita pa si nanay. Ibinuhos ko ang lahat ng hinanakit ko, ang pagh

