"Emm." Hindi nya maiwasang mapaungol dahil parang nangalay ang kanyang binti. Naalimpungatan sya dahil ang pakiramdam nya ay ang bigat ng kanyang katawan at may kung anong hangin ang tumatama sa kanyang mukha kaya dahan dahan syang nagmulat ng mata. Papaliwanag na kaya aninag na nya ang mukha ng katabi nya ngayon. Nakapulupot ang braso nito sa kanyang baywang at nakadagan ang binti nitong mahaba sa kanyang mga hita. Medyo naikurap pa nya ang mga mata baka kasi nananaginip lang sya. Gumalaw ang kanyang kamay at kinurot nya ang sarili. "s**t! Tsk! Ang sakit pala." Paungol uli nyang bulong. "Are you okey?" He asked with his sexy bedroom voice. Inalis nito ang binti sa pagkakadagan sa kanyang hita pero hindi nito tinanggal ang braso sa kanyang baywang kaya nakayakap parin ito sa kanya.

