Chapter 22

1847 Words
After two years "Inay. Aalis na po ako. Kayo na po ang bahala kay baby Pau Pau." Paalam ni Nickz sa yaya Sally nya na Inay na ang tawag nya ngayon. Nagmamadali nyang isinukbit ang kanyang bag pack sa balikat at niyuko uli ang anak na naglalaro ng doll nito. "Kiss na si Mommy baby." Hiling ni Nickoline sa anak. "Sama Mommy." Ungot ng anak na yumakap pa sa kanyang leeg. "Maiiwan muna si baby Pau pau ha. Para may pang Jollibee tayo sa linggo." Sabi nya sa anak saka ito pinupog ng halik. Humagikgik naman ito na para bang kiliting kiliti. "O sige. Layas na anak. Ako ng bahala dito." Pagtataboy naman ng kanyang yaya. "Wag pahirapan si lola anak ha." Bilin nya uli sa anak na humagikhik na naman uli dahil kiniliti nya. Mabuti nalang at hindi iyakin. Kung nagkataon baka mahihirapan sila ng nanay Sally nya. Isang taon na ang kanyang anak at Halos dalawang taon na din ang nakakalipas mula ng lumipat sila sa Siargao at mula noon ay hindi na sila bumalik sa Manila. Binalik nya ang dati nyang ayos. Ang pananamit, ang salamin nya sa mata at pati apelyedo nya ay pinalitan din nya. Ginamit nya ang apelyedo ng lola nya noong dalaga pa ito. Atlest sa kaalaman lang ng mga tao na kanilang nakakasalamuha. Ayaw nyang matuntun sila ng kahit na sino na nasa Maynila kaya nga sobrang pag iingat ang ginagawa nya. Alam nyang hindi sila makakapagtago habang buhay. Pero hanggat sariwa pa ang lahat sa kanya ay hindi muna sya lalantad. Dahil nagsisimula palang siyang bumangon mula sa bangungot ng kanyang kahapon. Maglilimang buwan na syang nagtratrabaho sa isang boutique and souvenir shop bilang isang sales lady sa Siargao. Mababa lang ang sahod pero nairaraos naman nito ang pang araw araw nilang pangangailangan. Hindi na din nya ginagalaw ang fund na iniwan ng kanyang lola dahil itinatabi nya iyon in case of emergency lalo na at may bata na silang kasama. Hindi naman na nya sinasahuran ang kanyang yaya dahil tuluyan na itong tumira sa kanya dahil patay na din ang mga magulang nito kaya ito na talaga ang tumayong ina nya. Hindi na nya ipinagpatuloy ang kanyang pag aaral dahil parang nawalan na din sya ng gana. Mula ng maging ina sya ay natutunan na nya halos lahat ng gawain sa bahay, kung papaano maging responsableng ina. Maraming nangyari sa loob ng dalawang taon that two years of her life no one could imagine how much pain she went through at walang sino man ang gusgustuhing maranasan iyon. Pero kailangan nyang lumaban dahil mayroon buhay na umaasa sa kanya. Iyon ay ang anak nya na si Pauline. At gagawin nya ang lahat para mapalaki nya ito ng punong puno ng pagmamahal. Ibibigay nya dito ang pagmamahal na pinagkait sa kanya ng kanyang pamilya. *. * * "Linya. May nag order sa atin ng souvenir five hundred pieces at iyon design mo ang napali. So, ibibigay ko sa iyo sina Esme at Roxan na makakasama mo para gawin iyon. Dapat bukas ng hapon ay maidedeliver na natin iyon sa hotel kung saan gaganapin ang party." Sabi ni Madam Grace ang may ari ng shop. "ho?" Nanlaki ang kanyang mata. "Madam. Bakit ang bilis naman po yata. Buti sana kung madidikit dikit lang ang paggawa non e. Baka hindi po kayanin. Iyong packaging pa." Reklamo naman nya. "Sinabi ko nga din na baka hindi kayanin kaya lang handa silang magbayad ng doble para maibigay natin ang order nila. Plus may bunos pa." Sabi nito. "Kaya turuan mo na iyong dalawa dahil kailangan pulido ang pagkakagawa. Mukha pa namang mataray iyong may birthday." Dagdag nito na tinignan pa si Esme at Roxan na nakikinig lang sa kanila. "Pero Madam. Kung hanggang 50pcs lng kakayanin natin. Lalo na iyong ginagamit nating pang paint dyan kunti nalang." Giit uli nya. "At saka may stock na po ba tayong mug na ganoon kadami?" Tanong nya dahil kakailanganin nila iyon. "Sila na iyong nagprovide. Baka mamaya maya lang ng kunti darating na iyon. Pati na iyong pang paint mo. Kaninang umaga nga lang nya nakita iyong design mo e. Napadaan lang sila tapos nagustuhan nong babaeng may birthday ayon kinulit ang kuya. Mukhang spoiled sa kuya e." Paliwanag naman ni Madam Grace. "O sige ganito nalang. Mag oover time tayong lahat. Tutulong ako sa pag aassemble. Tapos doon sa packaging ipagawa natin sa iba, kaya naman na siguro nila iyon. Tapos ang sobrang ibabayad nila ay paghahati hatian nyong lahat. Syempre mas malaki sayo dahil design mo iyon." Sabi ni Madam Grace para magawa lang nila ang 500pcs na order. Naiiling nalang si Nickz dahil alanganin sila pero parang disidido naman ang may ari. Bahala na. Sabi nalang nya sa sarili. "Kilala nyo ba iyong nag order sa atin ng souvenir." Tanong ni Nickz kay Esme na tinuturuan nya kung pano magdesign. "Bakasyonista e." Sagot naman nito. "Tsk! Mangangarag tayo nyan." Sabi nya na napapakamot ng ulo. Napahagikhik naman si Roxan. "Hindi lang matanggihan ni Madam iyong kapatid nong gurl dahil ang gwapo. Nakuha sa kindat ba. Makalaglag panty e." Sabi naman ni Roxan na parang kinikilig. Napatawa naman sya. Basta gwapo ang pag uusapan ay hindi pahuhuli ang mga ito. Lalo na ang Madam nila na feeling teenager palang yata. "Linya. Nandyan na iyong gagawing souvenir." Tawag sa kanya ni Macoy na isa din sa boy nila. Hinabilin kasi ni Madam nila kanina na sya muna ang magrereceive pag wala pa ito dahil may pupuntahan ito saglit. Para macheck din daw nya kung tama iyong mga kinuha ng mga ito na materyales. "Saglit. Lalabas na." Sigaw naman nya. Naabutan nyang nag bababa ng kahon ang dalawang boy sa isang van. "Ito na ba iyon?" Tanong nya kay Macoy na nakabantay din. "Oo daw." Kibit balikat namang sagot nito. Sya naman ang paglitaw ng isa pang lalaki galing sa harapan ng van. Nanlaki ang kanyang mata ng mapagsino ito. Mabilis nyang itinago ang mukha sa pamaypay na hawak hawak na kunyari ay nasisilaw sya sa liwanag. Shit! Nakita na yata nya ako. Kinakabahan nyang bulong sa sarili. Nakita nya ang paglapit nito sa kanila na lalong nagpakabog ng kanyang dibdib. "Lord. Please. Not now. Okey na po ako." Bulong nya na halos hindi mapigilang manginig ang kanyang kamay dahil sa nerbyos. "Sayo ba naghabilin si Miss Grace?" Tanong ng lalaki. Hindi nya alam kung sa kanya nagtatanong o kay Macoy dahil nakatakip sya ng Mukha. Tanging sapatos lang nito ang kanyang nakikita. "A. Kay Miss Linya po" sabi naman ni Macoy na bumaling sa kanya. Napapikit sya ng kanyang mata. "Sya ba?" Rinig nyang tanong nito kay Macoy. "Hoy bat kaba kasi nakatakip ng pamaypay." Baling naman ni Macoy sa kanya na biglang inagaw ang pamaypay sa kanya. Hindi nya iyon inaasahan kaya nakuha nito iyon sa kanya. Mabilis syang napayuko ng kanyang ulo at bahagyang inayos ang kanyang makapal na salamin sa mata. "A-a ako nga po." Halos naibulong lang nyang sagot dito. "Siyo po si Ni-" "Linya po ang pangalan ko Sir. Ako po ang may gawa non souvenir na inoorder po ninyo." Pang puputol nya sa sasabihin ni Macoy. "Ah. Okey. Nice meeting you Miss Linya. So nasabi kasi ni Miss Grace kanina na kailangan mong echeck iyong mug at paint material. So pwede mo nang e check habang nandito pa kami. Para pag may kulang ay magawan agad natin ng paraan." Sabi ng lalaki. Hindi sya umimik. Yuko ang ulong lumapit sya sa mga nasa harapan nila at sinuri ang mga iyon. Pero parang wala doon ang kanyang isip. Pakiramdam nya ay nakasunod ang tingin ng lalaki sa kanya. "Emm. O-okey na ho ang mga ito. Macoy. Paki pasok nalang ito sa working place natin para masimulan na." Baling nya kay Macoy. "Maraming salamat po Sir. Papasok na po ako para maihanda ko na po ang mga gagamitin namin para umabot po ito bukas." Sabi nya at mabilis ng pumasok sa loob. Dali dali na syang pumasok sa loob at hindi na nya ito hinintay na makasagot pa sa kanya. Para syang nanghihinang napasandal sa pader pagkapasok nya sa shop. Nanginginig ang kanyang katawan. "O Linya. Okey ka lang?" Tanong ni Esme sa kanya ng makita sya. "Hala. Namumutla ka. Nausog ka yata." Sabi nito na sinimulang nitong hinipo hipo ang kanyang bunbunan. "Okey lang ako. Sumama lang ang pakiramdam ko." Pag papakalam naman nya dito. "Tsk. Hindi ka pa naman pwedeng magkasakit ngayon dahil ang dami nong tataposin natin." Sabi nito saka na sya inalalayan. "Tara samahan na kita sa loob ng working place natin at gagawan kita ng meryenda. At maiinom na din. Baka sa init lang yan. Kung bakit naman kasi ang init init e hapon na." Dere deretsong salita nito. Hindi nalang sya umimik. Pinapanalangin nalang nya na sana ay hindi sya namukhaan ni Tim. Matinik pa naman itong abogado kaya imposibleng wala itong napansin sa kanya. Pinakalma nya lang ng kunti ang sarili bago sinimulan ang pag aassign sa mga kasama. "Macoy. Ikaw muna sa labas para magbantay doon." Baling nya kanya Macoy. "Yes Madam." Birong sabi nito na para bang si Madam Grace lang ang kausap. Nagtawanan ang kanilang mga kasama. "Roxan. Ikaw ang mag lagay ng string sa glass natin basta maglagay ka lang ng maglagay hanggat hindi mo natatapos iyong five hundred pieces at ikaw Esme ang maglagay ng decoration iyong mga beds at bato bato natin dyan. Basta mag tira ka lang ng space na pag lalagyan ng mug at nong perfume bottle natin. Tapos si Alvin ang magpapatuyo ng mga napaint ko na. Mamaya tuturuan ko sila kung papaano iyong packaging. Pero habang wala pang ginagawa iyong iba. Tumulong muna kayo kay Roxan para matulungan din nya mamaya si Esme. Baling nya sa tatlo pa nilang kasama. "Yes Madam." Biro ng mga ito sa kanya kaya napatawa sila. Mabilis na tumalima ang mga ito at kanya kanya na ang gawa siya naman ay subsob na din sa pag dedesign. Hindi nila namamalayan ang oras. "Guy's alam kung gutom na kayo kaya nagdala kami ng pagkain para sa inyo." Sabi ng boses. Parang nanigas ang kanyang katawan dahil sa narinig. Shit! Boses uli ni Tim. Hindi nya namalayan na nabitawan na pala nya ang mug na hawak kaya napakislot sya ng mabasag iyon. "Hala Nickz. Anong nangyari sayo?" Lumapit agad si Esme sa kanya. "Are you okey?" Lumapit din agad ang lalaki. Mariin nyang naipikit ang kanyang mga mata dahil sa tanong nito. "Okey lang ba sya?" Tanong ng isa pang boses kaya hindi nya napigilang tingalain ito. Hindi nya namalayan ang luhang tumulo sa kanyang mga mata. Ito na ba ang katapusan ng pagtatago nya. Nasundan na ba sya ng multo ng kahapon na pilit nyang iniiwasan. "Hey. Okey ka lang?" Nag aalalang tanong ni Tim sa kanya. Napatingin sya sa mukha nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD