Tahimik lang na nakatayo sa gilid ng dagat si Nickz habang pinapanood ang mga alon. Tanging ang paghampas lang ng tubig ang kanyang narinig na para bang sinasabayan nito ang mabibigat nyang paghinga. Naninikip ang kanyang dibdib at ang mga luha ay nangingilid sa kanyang mga mata. Its been a week mula ng huli silang nagkita si Alex at bawat pag daan ng araw ay lalong lumalalim ang pangungulila nya sa kanyang dibdib. Akala nya okey na sya. Na handa na syang humarap dito pag nagkakrus uli ang kanilang landas. Pero akala lang pala nya dahil nanariwa ang lahat sa kanyang alala pati ang damdamin na pilit nyang tinatabunan ng galit. Ang galit na sa isang iglap lang ay natunaw. Unang beses nga nya itong nakaharap makalipas ng dalawang taon ay parang gusto nyang magpakulong sa mga bisig nit

