"Obstetrician-gynecologist, ob-gyn? Bakit dito love?" Nagtatakang ibinaling ni Nickz ang tingin kay Alex ng makita kung saan sya dinala nito. "Kala ko ba magpapacheck up tayo?" Takang tanong pa nya. Masuyo naman sya nitong nginitian. "Yes baby. At d'yan tayo mapapacheck up ngayon. Actually inaasahan na tayo ni Doctora dahil tinawagan ko sya kagabi." Lalong kumunot ang kanyang noo. "Come on." Yaya uli nito na ginagap pa ang kanyang palad bago kumatok sa may pintuan. Punong puno ng pagtataka si Nickz. Halatang kilala ni Alex ang Doctora dahil masayang sumalubong ito sa kanila. Napakaganda nitong doctora at napakasexy. "Oh Alex. It been a long time and Looking good as ever huh." May panunudyong ang tinig ng babaeng Doctor. Masayang nakipagbeso beso naman si Alex. Napakagraceful n

