Chapter 5

1895 Words
Chapter 5 Isang linggo na hindi siya ang naghatid kay baby Serenity. Si Manang Cora ang naghahatid na kay Serenity ngayon. May sakit daw ang dalaga. Baka mahawaan daw si baby Serenity. "Hello po Kuya. Did you miss my Yaya Nina?"natawa ako sa sinabi nito. "There is no more noise inside the car, right?"sabi ko naman. "Yeah but, I like her. And it's okay to be loud sometimes. Also i am very happy because she has so many funny stories. I don't get bored being with my Yaya Nina."proud pa na sabi ng bata. Puring puri nito ang dalaga. I agree with her. Kahit ako na nakikinig lang sa kanilang dalawa sa likod ko habang nagda-drive kapag nag hahatid kami sa bata ay napapatawa ako. Yeah she is right namiss ko talaga ang dalaga. Nagdadahilan lang kaya ito na may sakit? Dahil sa ginawa kong pagtapon sa cellphone nito. Kaya ayaw nito magpakita sa akin dahil may inis at galit pa siguro ito sakin. Hindi ko pa naman alam manuyo ng isang babae. Heck! Sila ang nanunuyo sakin in the first place. "Nanay, I hope Yaya gets better soon. I miss her so much."lumungkot na ang boses ng bata. Same senyorita. "Nagpapagaling na siya Vivi, wag mag alala magpray tayo na okay na siya. Para sa sunod na pasok mo magkasama na kayo ni Yaya Nina mo." "Yes po. I always pray at night. Also my yaya taught me to pray in the morning too."ngiti pa nito. "Very good ang Vivi namin."haplos ni manang sa ulo ng bata. "Thank you po." I know Nina is the right woman for me. She is really good at taking care of the children. I admire her for that. Good influencer to Serenity. Wag lang sana ma-adapt ni Serenity ang pagkamadaldal ng Yaya nito. Pauwi na kami ni manang ng magsabi sakin na Idaan ko na muna siya sa pamilihan ng mga gamot. Nagpresinta ako na bibili ng gusto nitong bilhin pero sabi ni Manang siya na daw. Hinintay ko na lang siya dito sa parkingan. Matanong nga kung ano ang binili ni manang. Kilala na ako ni manang na Apo ng matalik na kaibigan ni Don Sebastian. Mabuti daw pumayag ako na maging driver ni Serenity. Wala akong choice kundi ang pumayag para sakin ibigay ni Lolo ang trono nito. Hindi kasi gusto ni Papa na saluhin ang hawak ni Lolo na organization. Ayaw nito sa gulo pero nadadamay parin dahil anak siya ni Lolo. Kaya kami ng mga kapatid ko bata palang sinasanay na nila kami sa mga martials art. Ayaw ko din na sa iba mamahala kaya ako na lang siguro. Kaya ko naman ang lahat ng bagay. "Tara na hijo."sabi ni Manang ng nakapasok na sa loob ng sasakyan. "Ano pong binili niyo manang?"usisa ko. "Para kay Nina, para sa sakit sa ulo at sa dysmenorrhea niya."sagot nito. "Ano po yung dysmenorrhea manang?"naririnig ko naman na iyon pero anong sakit iyon. "Ah, para sa mga babae hijo iyon. Kapag may dalaw ang isang babae nagkakaroon ng dysmenorrhea. Pero depende din hindi kasi lahat ay nakakaramdam ng ganito ang iba kapag may dalaw sila. May mediyo masakit lang at may sobrang sakit."sabi nito. "Ah okay po. How's Nina manang?" "Ayos naman siya. Ganun lang daw siya kapag tinamaan ng dysmenorrhea magkakalagnat siya. Pero hindi naman daw iyon madalas na maramdaman niya. Stress lang siguro siya kaya siya nagkalagnat." "Na stress siguro siya sa'kin manang."wala sa sariling sabi ko. "Ha? Anong ginawa mo sa kaniya?"gulat na tanong ni manang sakin. Mahina akong natawa. "Wala naman po manang."sabi ko na lang. "Mabait na bata 'yang si Nina. Madaldal nga lang at masiyahin na bata. Lalong sumaya ang mansion dahil sa kaniya. Hindi pala mansion, ang kusina lang dahil palakwento siya ng kung ano-ano. Naging masigla at puno ng halakhakan ang binibigay nito araw-araw. Naging positibo ang bawat Isa sa'min. Kahit gaano pa kahirap ang trabaho sa mansion nagagawa na nilang tumawa. Nakakagaan ng loob ang hindi magreklamo sa trabaho araw-araw."kwento ni manang. That's why I like her. Sabi ko sa sarili. "She's really a nice person." "Oo hijo, tama ka. Kaya ano ba ginawa mo sa kaniya?"usisa ulit ni manang. "Tinapon ko po yung cellphone niya. Ang ingay niya kasing nakikipagkwentuhan sa manliligaw niya. Hindi niya naisip na may kasama siya sa loob ng sasakyan. Hindi ko naman sinasadya huli na ng mapigilan ko ang sarili ko. Naitapon ko na ang cellphone nito ng hindi nag-iisip."feeling guilty ako sa ginawa ko. "Ano? Kaya pala mugto ang mga mata. Ikaw pala ang may kasalanan kung bakit ito umiyak. Ikaw talagang bata ka!" "Hindi ko naman sinasadya."sagot ko. "Kaya pala naghiram siya ng cellphone kay Brandon. Dahil nasira daw ang cellphone niya. Pero ikaw naman pala ang sumira." Nainis na naman ako dahil sa narinig. Bakit sa lalaki pa siya humiram ng cellphone? Ang daming mga babaeng kasambahay at sa lalaki pa talaga siya lumapit. Tangina! Gigil kong sabi sa isipan ko. Hindi na lang ako umimik pa! Nakasimangot na akong nagda-drive at hindi pinansin ang tanong ni manang kung bakit ako nakasimangot. Baka sa inis ko mabuking ko pa ang sarili ko. Pagkahatid ko kay Manang ay agad din akong umalis doon sa mansion. Naiinis ako kaya sa shooting range ako nagpunta. Mas mabuting dito ko na lang ibuhos ang inis at gigil ko sa babaeng iyon! Ito lang ang babaeng walang kahirap hirap na inisin ako kahit wala naman talaga itong ginagawa sa akin. Pero dahil gusto ko ito naiinis ako sa mga lalaking nakakasalamuha nito. Inaangkin ko na siya ng walang kamalay malay. Kahit ayaw pa niya sa'kin wala siyang magagawa kapag sinabi kong akin siya. Akin lang siya. Period! "Saan ka na naman naiinis at gigil na gigil ka diyan!"puna sakin ng kaibigan ko. "Mind your own gigil puti!"inis kong sabi. Puti ang tawag ko dahil nga maputi siya. Parang bakla na malaking katawan. Kaya laging nag papaaraw para umitim man lang daw siya ng kunti. Pero namumula lang ang balat at babalik lang din sa dati ang kulay. Magaling ito sa lahat ng klase ng martial arts. Ang Lolo nito ay kaibigan ng Lolo ko. Marunong din magtagalog ito. Well, multilingual kaming pareho dahil kailangan namin iyon to communicate with different people in the world. "Tapos na sa kaniya ko pinutok ang gigil ko! Ayon sarap na sarap humirit pa ng ilang putok."sabay halakhak nito. "Fvck!"mura ko. Humalakhak lang ito at kumaha din ng isang baril at pumwesto sa tabi ko. At ginaya ang ginagawa ko. "The doctora o The fashion designer?"tanong ko. "The woman who can take care of me, of course."sagot nito. "Hmmm... yung nakilala mo sa Amerika at na baliw ka sa kagandahan niya?"tanong ko. "Uh oh."sagot nito. "Tapos gusto mo kidnapin dahil ayaw niya sa'yo?" "Fvck!"mura nito. Humalakhak din ako. "Until now ayaw parin niya sa'yo pero binabayo mo na! Ang Gago mo lang din ano?"natatawa kong sabi. "Because I love her. She's working in there own hospital pero pinapabantayan ko siya ng hindi niya alam. Kapag nag overseas siya sinusundan ko siya. Kinikidnap ko siya at dinadala sa condo ko. Kaya hindi na ito madalas mag ibang bansa dahil siguro sa akin."mahaba nitong sabi. "Good for her! Mukhang mailap pa naman ang babaeng iyon. Mataray at suplada."sabi ko. "Kaya nga nagustuhan ko siya eh. Nakakachallenge yung gano'n na ugali."sagot nito. "Nakakanti lang naman nito ang ego mo. Dahil hindi mo tanggap na hindi ka niya gusto."buska ko. "Magugustuhan din niya ako someday. Mali lang kasi ang pag approach ko sa kaniya. Inangkin ko na kasi siya agad the first time we met." Tumawa ako dahil ganun din ang ginawa ko kay Nina. Inangkin ko na ito agad-agad. I mean na inangkin is binakuran ko na siya. Inangkin in different ways. But, I don't want to tell it to him. "Kaya naman pala ayaw sa'yo. Hindi mo man lang kasi siya ginalang pinutukan mo agad. Langya!" "It's a nice move for me. But, it's wrong move for her. Pero i never regret what I did. I loving it, you know."masaya pang sabi nito. "Gago!"sabi ko na lang. Umalis din ito agad ng makatanggap ng tawag. Naisipan ko na din na umalis dahil malapit na ang labas ni Serenity sa paaralan. Pagkarating ko sa mansion nagulat pa ako ng bahagyan ng makita ko si Nina. Mukhang malakas naman ito at parang walang sakit. Siguro nakainom na ito ng pain reliever dahil may dalaw daw ito. Siya kaya ang sasama sa'kin magsundo kay Serenity? Natuwa ako ng siya nga ang kasama ko magsundo kay serenity. Pero hindi niya ako pinapansin at nakasimangot ito. Ayos lang importante kasama ko siya. Pinaandar ko na ang sasakyan hindi rin ako umimik. Habang nasa biyahe kami at mediyo traffic naalala ko ang cellphone na binili ko. Noong mga nakaraang araw ko pa iyon nabili. Kaya kinuha ko yun sa may drawer ng sasakyan ko. Nilabas ko ang cellphone na binili ko para sa kaniya pati na din sim card. Hindi ko pa iyon binuksan at gusto ko siya ang magbubukas. Nasave ko naman na ang number nito sa phone ko. "Take this."sabi ko. Pero hindi niya ako pinansin. "I'm sorry okay. Hindi ko sinasadya yung ginawa ko. Ayan kapalit ng cellphone na tinapon ko. Kung may sentimental value ang cellphone na iyon sa'yo. Sorry hindi ko alam."sabi ko pa. First time kung mag sorry at magpakumbaba dahil sa kaniya. Inilapit ko na sa kanya ang paper bag na may laman na cellphone. "Gusto mo bang kunin o itatapon ko na lang sa la---"nagulat pa ako sa paghablot nito sa paper bag na hawak ko. Humarap na ako sa harapan para makapag drive na ng maayos. Lihim akong napangiti kahit walang thank you mula sa kaniya. "Siguraduhin mo lang na hindi mo ako sisingilin ha? Kapag ako siningil mo ibabato ko itong cellphone sa mukha mo!"mataray nitong sabi sa'kin. Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Amasona pa naman yata ito. "Kapalit nga yan sa cellphone na tinapon ko. Of course it's free. May sim card na din diyan sa loob."mahinahon kong sabi. "Salamat."mahina nitong sabi. Kahit nagsusungit marunong parin naman pala magpasalamat. Tahimik na kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa paaralan ni Serenity. Tuwang tuwa ang bata ng ang Yaya nito ang nagsundo sa kaniya. Yumakap pa talaga kay Nina. They are really attached to each other na. "Hello Kuya Gadong."masayang bulalas ng bata. Ngumiti lang ako sa bata at kumaway. "Yaya did you already say hello to Kuya too?"tanong ng bata. "Ah no need baby. Ikaw lang dapat ang bumati dahil sinundo ka namin."Sabi nito agad sa bata. Tapos narinig ko ng nag tanong ito kung kumusta ang bata. Kung nag aral daw ba ng mabuti. Very confidence talaga sumagot ang bata. Ang dali lang daw naman pinapagawa ng teacher sa kanila. At laging perfect score daw siya. Pinakita pa sa'min ang mga star na binigay ng teacher sa kaniya sa magkabilang kamay nito. Masaya namang binati at pinuri ni Nina ang bata. Matalino talaga ang batang ito. Bilib ako sa angking talino nito. Very curious of everything pala tanong at lahat-lahat na. Bata palang sinasanay na ni Don Sebastian sa mga martial arts ang bata. May studio/gym sila dito sa loob ng mansion at may instructor na nagtuturo kay Serenity. At ako ang inatasan nitong magturo kay Serenity kapag nasa sampong taong gulang na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD