Later, narating na ni K.A ang sinasabing hotel. Agad siyang lumapit sa receptionist. Nakita niya na parang na mesmerized ito sa kagwapuhan niya kaya hindi ito nakapagsalita agad. Hindi naman bago para sa kanya ang ganitong reaction sa mga babae. Kaya balewala lang niya ito. "Miss good evening, I would like to inquire if what room number is Bryan Henderson checked in?" Tanong niya. He knew that the hotel receptionists won't tell any information due to guest privacy. Alam naman niya ang policy and guidelines ng hotel, pero sinubukan niya lang itanong baka naman magsalita itong receptionist na ito. "Good evening din po Sir." Ngumiti ito kay K.A at tiningnan naman ng receptionist ang guest list. "I'm sorry po sir, wala pong Bryan Henderson ang naka chek-in po dito." Kumumot naman ng konte a

