"Bryan... gumising ka." Niyugyog niya ito. Hindi gumising si Bryan. Dali naman niyang pinakiramdaman ang pulso nito sa leeg buti na lang na may pitik pa ito. Nakahinga naman siya ng maluwag at nawala na rin ang kaba niyang naramdaman sa kanyang dibdib. . "Bryan..." Sambit ni Pia. Unti unting nagmulat naman ang mga mata ni Bryan. At nang makita nito na ang asawa pala niya ang naggising sa kanya bumangon siya. "Bakit dumugo itong kamay mo?" Nag-alalang tanong ni Pia. Kinuha ni Bryan ang kamay niya mula sa pagkahawak ni Pia. "Wala lang 'to." Yumuko si Bryan na nakapatong ang siko nito sa kanyang hita at ang kanyang mga kamay ay nakatabon sa kanyang mukha. Nakatingin lang si Pia sa kanya. "Bryan huwag mo namang saktan ang sarili mo ng dahil lang sa may mga bagay tayo na hindi pagkakaintind

