#Naisahan
70. Masayang nagising si rena kinabukasan dahil may katabi siyang lalaki at alam nyang si justine iyon.
Bumangon na sya sa kama para tingnana ng mukha nang magiging dady nang anak nya.
Lumipat sya sa kabila dahil nakatagilid sa kanya ang lalaki.
Nang inangat nya ang tingin nang lalaki ay nagimbal sya sa nakita.
Hindi si justine ang lalaki kundi si nestor na syang drivers nila justine.
Napatakip sa bunganga ang babae at di makapaniwala sa nangyari gayong alam naman nyang si justine ang kasama nya kagabi.
Paano raw ito nangyari.
Saktong nagising si nestor at nagkatitigan at nagkahiyaan ang dalawa.
Gwapo naman si nestor at maganda rin ang pangangatawN. Halos kaedad lang rin ito ni rena 26. kaya lang mahirap at driver lamang ito nila justine pero mabait naman.
71. 6MONTH LATER..
Sa ngayon masaya na ang pagsasama nang dalawang mag-asawa dahil wala nang nangugulo sa kanilang pagsasama dahil si rena ay tuluyan nang pinanagutan ni nestor.
Pero alam ni nestor na hindi sya ang ama nang bata pero kahit ganon paman ay nainlove na sya dito gayon rin si rena sa kanya.
Si sofia at justine muling nagpakasal sa smbahan maraming tao,maraming handa at maraming bisita.
After nang kasal nila sa smabhan ay nagplano na sila na magkaroon nang anak.
Sa tatlong kontrabida naman sa buhay ni sofia ay tuluyan nang naging mabait sa kanya dahil inaamin nila dito na naiingit lang sila dahil maswerte raw sya dahil maganda na at mabait di tulad nila na puro raw pambubully ang ginagawa sa buhay para umangat sila.
Si Windelyn naman na kaibigan ni sofia ay pumunta na sa ibang bansa para doon manirahan kasama ang fiance nyang kano na nakilala nya dati sa f*******:.
2 Years pa ang nakalipas at strong parin ang mag-asawa meron na rin silang anak na 2 years old na rin si mateo.
Akala nila ay TULOY-TULOY na ang saya subalit nagkamali sila dahil namatay ang mama ni sofia dahil di na gumagana ang puso na pinalit sa puso nya dati.
Kumbaga ang puso nang mama nya ay pansamantala lang para mabuhay sya pero di magtatagal ay kusang hihinto ang t***k non.
72. Nailibing na ang mama ni sofia. Pero bago man ito lagutan nang hininga ay masaya naman daw sya dahil nakita nyang masaya na ang anak nya sa buhay ni justine at ang apo niyang si mateo na makita nya bago man sya bawian nang buhay.
Marami ang nakiramay at nakilibing sa kanya.
Marami ang naiyak at nalungkot sa kanyang pagkamatay pero wala na silang magawa dahil ang buhay nang tao ay MARUPOK lamang. Kong araw mo na ay araw mo na talaga.
Hindi rin umuwi ang kanyang mga tita at mga pinsan kahit na alam naman ng mga ito na namatay ang kanyang Ina. Matigas parin ang kanilang mga ulo at hanggang ngayon, hindi parin sila nagkapatawaran magkapatid.
"Ate paano na ngayong wala na si nanay? Iniwan na nga tayo ni tatay pati ba naman si nanay". malungkot na saad ng kapatid na si Jaya
"Hayaan mo na iyon bunso, mula ngayon iiwan na natin itong bahay. Sa amin Kana ng kuya mo tutuloy promise hindi ka namin pababayaan". saad ni Sofia sa kapatid na si Jaya
"Hindi mo naman ako kailangan sabihan ng ganyan ate at isa pa, kaya ko naman na siguro mag-isa dito sa bahay natin. nakakahiya naman si inyo ni kuya Justine." Wika ni Jaya sa kanyang ate.
"Ano kaba Jaya magkapatid tayo, tayo nalang ang magpamilya ngayon at isa pa baka bumalik yung mga pinsan nating demonyeta at i-bully ka mahirap na." anang ate nya na May pag-alala.
"Naku alam kong hindi Kana nila nabully di yata mas mayaman kapa sa kanila ngayon hindi ba?"
Biglang senyasan ni Sofia ang kapatid na wag maingay, dahil hanggang ngayon lihim parin ang tunay na pagkatao ni Justine lalo na sa mga kapitbahay nila.
Kailan man ay hindi pinagyayabang ni Sofia na asawa siya ng isang billionaire sa bayan' nila.
Tanging ang Ina at kapatid lang ang nakaalam ng lahat kahit ang mga tita at pinsan ay walang alam sa kong ano man ang naging takbo ngayon ng buhay niya.
Nong nawala noon si Justine 4 years ago binalak na sana ni Sofia na tumigil sa pag-aaral dahil lubos itong nasaktan sa pagkawala ni Justine. Ang lalaking minahal niya ng sobra.
Nakipagkita pala si Justine noon sa kanyang Ina at nagusap ng masinsinan ang mga ito.
Sinabi lahat ni Justine sa Ina nya kong sino talaga ito, ayaw man maniwala ng Ina noong una pero nagtiwala parin ito kay Justine.
Nangako si Justine sa Ina nito na papakasalan sya after 4 years kapag naka-graduate na sya, bukod pa roon sinabi rin daw ni Justine sa Ina nito na sya sasagot nang pag papaaral dito hanggang sa makatapos.
Binawi ng Ina ni Sofia ang tulong na bigay ng Mga kapatid, kahit siya ay alam nitong sapilitan ang pagbigay ng tulong sa kanyang Anak. Napagalitan pa niya si Sofia dahil sa mga napansin nito sa mga kapatid nya, pero sa loob loob nya ay nasaktan din ang Ina ni Sofia.
Doon napagtanto ng Ina ni Sofia na May hidden agenda ang mga kapatid kay Sofia, gagamitin nila ang anak balang araw sa kanilang sariling interest, kaya habang maaga pa ay pinuntahan na nito ang mga kapatid at binabalik ang tulong na para kay Sofia
Nagkaroon nang pagtatalo sa magkakapatid hanggang sa nagkainitan na at wala nang pakialamanan kahit na kailan.
Mula noon ay naging maganda Nadin ang trato ng Ina ni Sofia sa kanya, hindi na ito laging galit sa kanya at hinahayaan na sya sa gusto nitong gawin. Basta daw ay wag pabayaan ang pagaaral at wag mag boyfriend. Okey makipagkaibigan basta wag lang daw talaga pumasok sa isang relasyon.
Hindi niya alam na Nong mga panahong iyon ay nagkakasundo na pala si Justine at ang Ina.
Si Justine din ang tumulong sa Ina niya para gamutin ang kanyang puso, hindi alam iyon nila Sofia at Jaya dahil malihim ang Ina at ayaw nitong mag-alala sila.
Lumala lang ang kalagayan nito Nong Namatay ang asawa dahil sa stroke.
Naabutan nalang nila ito sa bukid na wala ng buhay
Masakit pero lumaban parin silang tatlo kahit na wala ang kanilang Ama ng tahanan
Bagama't nagtataka si Sofia noon kahit alam nilang walang trabaho ang Ina pero sunod-sunod ang perang dumadating sa kanila, ang inakala noon nang magkapatid ay sa Tita nya galing lahat iyon pala ay kay Justine nya.
Sa loob ng apat na tao ay hindi naman talaga nawala si Justine sa buhay ni Sofia, hindi lang talaga siya nagpakita dito para makapag fucos ang babaeng mahal nya sa kanyang pag-aaral at ito na nga nakapagtapos na sya. Lahat ng plano ni Justine at ng Ina nito ay naayon sa usapan.
Nakapag apply ng trabaho bilang secretary at si Justine nga ang kanyang boss.