PAG-IBIG

1444 Words
MAGDA's P O V " Ano, Virgo!? Naniwala ka nang kasunod mo kami kapag nakita kitang pumasok sa bar, ha!? " paninita ni Brent nang bumaba siya mula sa kotse ng hindi ako sumakay Tinalikuran ko siya at nag lakad palayo subalit sumunod naman siya sa akin. Dire- diretso lamang ang lakad ko, dumagdag pa kasi siya sa pagod at puyat ko kaya mas lalo akong nainis. Wala naman silang nakitang violation sa bar dahil maaga pa kanina kaya wala pang mga naka- table na kasamahan naming Waitress. Mabuti na lamang din at hindi siya naging saksi sa extra service na ini- offer nga ng bar dahil siya na nga mismo ang nakasaksi niyon. Ang hindi ko lang kasi maintindihan ay kung bakit ganito ang inaasal niya? Napag kamalan pa tuloy kami ni Mama na may relasyon. " Bakit ka ba nangingialam!? Sino ka ba!? Ano ba kita, ha!? Wala kang pakialam kung ano ang isuot ko! Buhay ko 'to at mula ngayon ay Magda na ang itatawag mo sa akin, family ko lang ang tumatawag sa aking Virgo! " inunahan ko na siyang mag salita nang pigilan niya ako sa braso kaya napa harap ako sa kanya Hindi naman siya agad naka sagot, nagulat siguro sa mga sinabi ko. Habol ko naman ang aking hininga kaya hindi rin ako agad nakapag salita. Hanggang sa may dumaang jeep na byaheng patungo sa bahay namin kaya naman pinara ko iyon para maka sakay. Kaya naman naiwan si Brent sa gilid ng kalsada na tila hindi naka huma sa panunumbat ko sa kanya. Sa bahay na lamang ako nakahinga ng maluwag pagka uwi ko. Inaalala ko kasing baka sundan niya ako mabuti at hindi naman. Dumagdag pa ang mga kinikilos niya sa nagpapa gulo ng aking isipan. At naisip kong makakalayo lamang ako sa kanya ng tuluyan kapag lumipat kami ng ibang bahay. Subalit, siguradong magtataka nga si Mama ko. Hindi ko na namalayan kung anong oras na ako nakatulog dahil sa labis na pag- iisip. Tanghali na ako nagising base sa tingin ko sa oras sa wall clock sa aking silid. Hindi muna ako bumango at naka tingin lamang sa kawalan. Hindi pa rin kasi maalis sa alaala ko ang nangyari kahapon. Mula rito sa aming bahay hanggang sa bar na aking pinagta trabahuhan. Iyon ay dahil kay Brent, na hindi ko alam kung ano ang gusto niyang palabasin at sobrang apektado siya sa uri ng aking trabaho sa bar? Nagtiis muna akong hindi bumaba kahit nagugutom na ako at baka kausap na naman ni Mama ang binatang pulis. " Hello! " sagot ko sa pag tawag ni Fatima sa aking mobile phone " Ano ang balita? " bungad agad niyang tanong, wala ng hello- hello, na may halong panunukso kaya naman napa ikot ang mga mata kong nag kwento sa kanya pati na iyong pag sumbat kay Brent at hindi nito pag sagot. " Oh em g, Magda! " halos mabingi naman ako sa tili niya kaya inilayo ko sandali ang cellphone ko sa aking tainga, " Iba na talaga 'yan, girl! Baka naman may gusto na siya sa'yo!? " sambit pa niya kaya pagak lamang akong natawa " Ano!? Hindi ah! Tsaka wala naman siyang sinasabi! " wika ko naman " Uyy! Parang sa pananalita mo e hinihintay mo nga siyang mag tapat!? Aayyyiii! " panunukso pa niya " Tsk! Hindi ah! Sinagot ko lang naman kasi ang tanong mo! Eeewww! " kontra ko naman sa sinambit niya " Anong eewww!? " natatawang turan pa niya " Baka nakakalimutan mo, Fatima, kung ano ang trabaho naming dalawa!? Tsaka, hindi ako naniniwala sa pag- ibig, pag- ibig na 'yan! Sa kinakaltas buwan- buwan sa sweldo, mas doon ako bilib! " Wika ko naman kaya malakas siyang natawa. " Palibhasa kasi hindi ka pa nakaka tikim ng langit kaya isusumpa mo ang mga lalake! " sambit pa niya " Talagang hindi pa! Hindi pa naman ako patay, 'no!? " pa pilosopo ko namang tugon kaya mas lumakas ang tawa niya at inilayo ko na naman ang hawak kong cellphone sa aking tainga " Hay, naku, Magda! Dapat talaga sa'yo ma inlove na para maiba ang pananaw mo tungkol sa mga lalake at pag- ibig e! " pahayag pa niya nang humupa ang kanyang halaklak " Tsk! Hindi iyan ang priority ko sa ngayon! Balak kong umiba ng bahay pero eto na naman ako, siguradong mag- uusisa at mag tataka si Mama! " sambit ko sa kanya sabay kamot sa ulo kahit hindi naman nangangati. " Tsk! Ikaw din ang sumagot sa pino problema mo! Alam mo naman palang balakid lagi ang Mama mo sa mga plano mo, iniisip mo pa! " may katotohanang sambit naman niya, " Pero seryoso, paano nga kapag nag tapat siya ng pag- ibig sa'yo? Kaya ganoon siya ka over protective, lalo na sa trabaho mo? " natigilan naman ako sa ipinahayag ni Fatima Sa dalawampu't limang taon ko kasing nabubuhay sa mundo ay ngayon lamang may nangialam na lalake sa buhay ko hindi syempre kasama ang Papa ko. Tapos isinusumpa ko pa nga ang mga lalake kaya anong kasagutan ba ang nais ni Fatima na marinig? " Baka b@ril ang sumagot sa tanong niya. " Tugon ko na lamang nang maka isip ako nang isasagot Malakas na naman siyang natawa, " Hay naku!, Magdalena! Kapag naka lasap ka nga ng langit dito sa lupa ay tsaka mo 'yan sabihin ulit sa akin! " bahagya na lamang siyang natatawa " Bukas na natin papasyalan iyong bagong 'opisina' natin, 'di ba? " pag- iiba ko na lamang sa aming usapan " Oo! " tugon naman niya at tungkol na sa aming grupo ang sumunod naming napag kwentuhan, mabuti na lamang at hindi na siya nang- asar hanggang sa tapusin na namin ang aming kwentuhan " Hayst! Talaga nga yatang hindi ako lulubayan ng Brent na 'yon!? Nagkanda letse- letse tuloy ang buhay ko dahil sa kanya! Imbis na wala akong problema! " bubulong- bulong kong kausap sa sarili ko habang papasok ng banyo para mag hilamos at sepilyo. Hindi ko na kasi kaya ang pag kulo ng aking sikmura kaya kailangan ko nang bumaba para kumain ng agahan at tanghalian. " Ano nangyari sa bar kagabi? " usisa ni Mama nang tumabi siya nang upo sa akin habang kumakain na ako sa hapag kainan. Nilunok ko muna ang pagkain nasa bibig ko at uminom ng tubig bago sumagot. K-in-wento ko nga sa kanya ang kaganapan sa bar, hindi na s'yempre kasama iyong panunumbat ko no'ng pauwi na ako. " Baka naman may gusto siya sa'yo, anak!? Kaya ganoon siya ka higpit!? " bulalas pang wika ni Mama kaya naman naibuga ko ang laman ng aking bibig na kakasub0 ko pa lamang " M- Ma naman! . . . W- Wala ka man lang pong ka preno- preno!? " nauubong reklamo ko sa kanya, mahina naman siyang natawa. Para kasing may nagawa akong mali sa tono ng kanyang boses. " Baka nga kaya ganoon, anak? Ano sa palagay mo? " tila kinikilig pang tanong niya kaya naman nawalan na ako ng ganang kumain kaya uminom na lamang ako ng maraming tubig para mabusog. " Hindi po ako mapalagay, ma! Gagamit muna ho ako ng banyo! " tugon ko na lamang sabay bitbit ng aking pinag kainan na pinag patong- patong ko at dinala ko sa lababo tsaka ako pumasonk sa banyo kahit hindi naman ako gagamit niyon. " Pambihira kang bata ka, Magdalena Virgo! Ke ganda- ganda at may manliligaw na sa'yo e binabalewala mo lang! Bahala ka kapag iyon e nakakita na mas maganda kaysa sa'yo! Iiwan ka ni Brent! Ewan ko na lang! Baka hindi ka na niyan makapag- asawa! " sermon pa niya sa tapat ng pinto ng banyo Kakakamot lamang ako sa kilay habang naka sandig sa tiles na pader, nanay ko pa rin naman kasi siya kaya ayoko na lamang mangatwiran at sabihin din sa kanya ang sinabi ko kay Fatima tungkol sa mga lalake. Malamang ay atakihin pa siya sa puso kapag nalaman na wala naman akong balak na mag- asawa, nobyo pa kaya. At baka ipa- r@pe pa niya ako kay Brent kapag nalaman niyang ayoko sa mga lalake. Lumabas lamang ako ng banyo nang huminto na siya sa kaka- sermon. Tsaka ko lamang hinugasan ang aking pinag kainan na nasa lababo pa rin. Samantalang siya ay nasa sala na at abala sa panonood sa palabas sa telebisyon ng teleserye. Kaya naman naka hinga ako ng maluwag kahit papaano dahil hindi ko na kailangang sagutin ang tanong niya kanina tungkol sa lalaking alagad ng batas na nangingialam sa buhay ko kahit wala pa naman itong karapatan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD