TASK

1318 Words
THIRD PERSON's P O V " Ano ba 'yan!? Ang tagal naman nila! Ayaw pa kasing pasukin e! " himutok na saad ni Magda sa mga kasamahan na nasa task Mataman nilang pinapanood sa monitor ng computer ang kaganapan sa bahay ng Mayor na kanilang nilooban. Na- hack na kasi nila ang CCTV doon kaya malaya na nilang mapanood ang bawat galaw ng tao sa loob ng kabahayan. Sila naman nila Melchor at Luisa ay naiwanan sa opisina kasama s'yempre ang Bossing nila. Dahil hindi pa nga magaling ang sugat niya sa balikat. " Relax! Mainipin ka namang masyado! " natatawang saad pa ni Melchor sabay tapik sa balikat niyang walang sugat. " Wala naman kasing tao rito sa gawi ni Jose, hindi pa pumasok! " naiinis pa niyang wika kaya mahina lamang siyang pinag tawanan ng tatlong kasamahan niya sa silid. Hanggang sa kung ano- anong hinagpis pa ang namutawi sa kanyang mga labi. Hindi naman siya pinapansin na no'ng tatlo dahil nakatuon na ang kanilang mga paningin sa iba nilang kasamahan na kasalukuyang pinapasok ang bahay ng isang Mayor. Tila walang humihinga sa kanila dahil natagalan bago nakalabas ang apat na gumagawa nang task. Bakas din sa kanilang mga mukha ang pangamba pati si Magda na bubulong- bulong kanina dahil sa pagka inip ay biglang natahimik. Tila kanya- kanya na rin sila ng panalangin para makalabas ng ligtas sa bahay ng Mayor na nilooban ng mga kasamahang nasa kapahamakan ng mga sandaling ito. " Sh!t! Muntik na! " sigaw ni Magda sabay hampas ng kamay sa lamesang nasa kanilang harapan " Hayst! Thank God! " sambit naman ni Luisa sabay tingin sa itaas na kisame lang naman ang makikita tsaka pinag salikop ang mga palad sa tapat ng dibdib. " Wew! Muntik na 'yon! " bulalas namang wika ni Melchor Samantalang wala namang reaksyon ang makikita sa mukha ng kanilang Bossing subalit sinunod- sunod naman nito ang tungga ng likidong nakaka lasing sa hawak na shot glass. Bago ito naupo sa swivel chair niya tsaka nag salin ulit ng pulang likido tsaka sumimsim ulit. Kung nahuli- huli pa kasi nang labas s bahay ng Mayor ng mga kasamahan nilang nasa task ay kasama sila sa b0mbang sumab0g doon na hindi malaman kung sino ang nag hagis. Naka- monitor din kasi sa kanilang monitor kung nasaan ang bawat isa para nasusubaybayan nila at naipaparating sa nasa task. " Grabe! Masy ninenerbyos ako kapag nanunuod kaysa nasa gitna ng bakbakan! " pabirong saad pa ni Magda kaya natawa ng mahina ang kasamahan niya habang ang sasalin ng alak si Luisa sa shot glass at iniabot sa kanila ni Melchor ang tig- isa. " Paano ba 'yan!? Mag tatagal ka rito sa opisina? " kantyaw pa ni Luisa " Tsk! Kasi naman e, minalas pa sa huling task namin! Ang tagal tuloy matetengga nitong mga kamay at paa ko! " himutok pa niyang saad sabay lagok ng alak sa hawak na kopita. " Ano nga pala ang sabi sa'yo ng Nanay mo? Siguradong hindi ka nakapasok niyan kagabi sa bar. " usisa naman ni Melchor na pinag lalaruan ang hawak na kopita " Oo, ang alibi ko lang nangawit sa pagkaka- idlip ko, suka't naman kasing diinan ng kamay no'ng maglalagay ng ulam sa lamesa. " naka simangot na saad niya kaya natawa na naman ang tatlo. " At eto pa, balak pang hilutin at baka raw may ugat na naipit! " kakamot- kamot sa ulong dugtong pa niya kahit hindi naman nangngati kaya malakas nang natawa ang kanyang mga kaharap. Inayos na kasi nila ang lamesa na pag bibilangan ng mga nakulimbat ng mga kasamahan sa bahay no'ng Mayor. " Ano naman ang sasabihin mong alibi mamayang gabi? " natatawa pa ring tanong ni Luisa " Papasok na ko, tatambay na lang sa opisina ng Manager namin kaysa naman masabon ako ng walang banlawan ng Mama ko kapag nag dahilan na naman akong masakit ang balikat ko! " pahayag naman niya " At mapipilitan na iyong i- massage iyang balikat mo! " kantyaw pa ni Melchor " Sinabi mo pa! " wika niya sabay tawa kaya nakigaya na rin ang mga ito Kung saan- saan na lang napunta ang kanilang pinag- uusapan hanggang sa dumating ang kanilang mga hinihintay. Gayan ng dati ay bibilangin nila ang mga iyon at pag papartihan. Pera lang naman ang kinukuha nila iyong iba ay dino- donate sa mga bahay ampunan at simbahan. " Wala muna pala tayong task sa loob ng tatlong araw, birthday kasi ng anak ko. Out of town kami. " pahayag ng Bossing nila " Okay! " Halos sabay- sabay naman nilang tugon " Ayos! Matagal na loving- loving ito! " wika naman ni Ernesto kaya siniko siya ni Luisa na biglang namula ang magkabilang pisngi. " Eewww! " " Yuck! Hindi ba kayo nagsasawang dalawa!? " usisa naman ni Melchor na tila nandidiri ang hilatsa ng mukha " Hindi ah! Ang sarap kaya! Palibhasa kasi mga wala pa kayong jowa kaya ganyan kayo! " pairap na wika pa ni Ernesto Natatawa lang naman ang mga kasamahan nila habang papalabas ng opisina. Wala naman kasi talagang masasabi ang mga ito kay Ernesto dahil pare- pareho nga silang mga walang lovelife. Maliban sa Bossing nila. Ilang sandai pa ay sakay na sila ng kani- kanilang mga motorsiklo ay umalis sa lugar na piping saksi sa mga illegal nilang gawain. " Hindi na ba masakit iyang balikat mo? " bungad na usisa ni Ginang Jacklyn sa anak nang magmano ito sa kanya pagkarating galing sa opisina. " Hindi na ho, papasok na nga po ako mamaya sa bar e! " pilit ang ngiting tugon naman ni Magda " Mabuti naman! Talagang hinahanap ng katawan mo ang trabaho mo roon. " pahayag pa ng kaniyang Ina " Oho! ' maikling tugon naman niya " Kumain ka na ba? " usisa pa nito na busy sa pang gagantsilyo " Opo, kayo po ba? " pabalik niyang usisa sa ina " Oo! Iyong natirang ulam natin kaninang umaga ang kinain ko. Ipag luluto sana kita kung hindi ka pa kumakain. " " Kumain na po ako. " tugon pa niya sabay sandig ng ulo sa sandalan ng sofa kaya napa titig siya sa kisame ng kanilang sala sabay pikit " Anak ng . . . " mabilis naman siyang napa dilat at nanlaki ang mga mata ng sumagi sa balintataw niya ang nakatabi sa bar kagabi. " Ano ang nangyayari sa'yo, anak!? " gulat ding tanong ni Ginang Jacklyn, napa pitlag din kasi ito sa sinambit niya . " W- Wala po, may naalala lang po ako. " iiling- iling namang tugon niya, hindi na ito nag- usisa pa at itinuloy na ang ginagawa. Matagal din kasi silang nag kwentuhan ni Brent kagabi sa bar at nais pa nga nitong ihatid siya rito sa bahay nila. Mariin lamang siyang tumanggi, pilit pa nga nitong hinihingi ang cellphone number niya ngunit tawa lang ang kanyang naging sagot. Hanggang sa umuwi nga siya ay hindi nito napilit ang dalaga na hingin ang kanyang mobile number. Pero nang makauwi naman siya rito sa bahay nila ay tila nakaramdan siya ng panghihinayang. At ngayon nga ay waring umaasam siyang makita ulit si Brent sa bar na pinagta trabahuhan. Kahit na ba wala naman siyang nabanggit kagabi na roon siya nagta trabaho. " Aahhh! Erase! Erase! " sinampal pa niya ng mahina ang magkabilang pisngi sa naisip kaya naman naiiling na lamang ang kaniyang Ina. " Iidlip muna po ako! " paalam na niya sa Ina dahil kung ano- anong senaryo pa ang pumapasok sa kanyang kukote kasama ang gwapong si Brent na kagabi lamang niya nakilala. " Ggrr! Kilabutan ka nga, Magdalena Virgo! " tila nga nandidiring bulong pa niya sa sarili at nang makahiga siya sa kama sa loob ng silid ay pinilit niyang makatulog para mawala lamang sa kanyang isipan ang lalakeng nakilala sa bar kagabi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD