THIRD PERSON's P O V Sumabak na naman nga sa task ang grupo nila Magda, as usual lagi namang successful kaya marami na ulit silang perang papartihan. " Ano balita kay Brent? " usisa ni Fatima kay Magda nang mag kita- kita ulit sila sa kanilang opisina. Siya na lamang ang huling dumating, ang mga kasamahan niya ay narito na at nag lilinis na kanilang mga @rmas. Pero tatambay lamang sila rito dahil wala silang task sa araw na ito. " Wala! " mabilis naman niyang tugon sabay upo sa sofa habang hinuhubad ang suot niyang leather jacket " Anong wala!? " sabay- sabay naman tanong ng mga kasamahan nilang lalake kaya mahina silang natawa " Wow, ha! Nag- practice!? " pabirong wika naman niya, hindi naman kumibo ang mga ito. " Hindi pa ulit nagpapa kita mula noong sinumbatan ko! " dugtong pa

