VIRGO's P O V " Saan naman tayo tutuloy roon? Himala yata at naisipan mong mag bakasyon ngayon? Samantalang noon ay ayaw na ayaw mong mag- absent sa mga trabaho mo!? " bulalas na gulat ni Mama nang banggitin kong mamasyal nga kami sa probinsya ng mga magulang niya. " Mahigpit po kasi noon ang Manager namin e ngayon po bumait na kaya binibigyan po ng one week vacation ang bawat isa sa amin. " palusot ko na lamang sa aking Ina " Tatawagan ko muna ang Tita Myrna mo para alam nilang darating tayo. " wika pa niya " Sige po! " magalang ko namang tugon tsaka ipinag patuloy na namin ang aming pagkain ng hapunan. Pagkatapos ko nga kasing makapag- isip ng mabuti kanina sa k'warto ko ay lakas loob ko na ngang inaya siya. Para nga lamang makalayo kay Brent pansamantala. Kaya siguro lumalakas

