VIRGO's P O V " Ayoko ng ganyang trabaho! Iba na lang ang ibigay mo! " mariing tanggi ko nang banggitin ni Brent na magiging secretary raw ako ng pinsan niyang may negosyo " Bakit ayaw mo!? Ayaw mo no'n, nakaupo ka lang maghapon at gumagawa ng mga paper works!? " hindi makapaniwalang sagot naman niya " Iyon na nga e! Maghapon na nakaupo kaya boring na trabaho 'yon! " naka ngiwing tugon ko naman " Ano!? " napapa kamot sa ulong sambit niya, salubong ang kilay at tila tumanda siya ng ilang taon sa pakikipag- usap sa akin. Mabuti at kami lang dalawa ang nasa sala namin dahil nag- grocery si Mama ng mga kulang naming stock sa pantry. Kaka- gising ko lang at mabuting tapos na akong kumain ng lunch nang dumating siya. Ngayon lang ulit siya nag pakita sa akin simula kahapon. " Bakit hindi

