THIRD PERSON's P O V Hindi naman na nag pakita si Brent sa bar na pinagta trabahuhan ni Magda nang pumasok siya noong gabi. Kahit ng mga sumunod na gabi, pero sa araw ay madalas pa rin itong pumapasyal sa kanila sa bandong hapon para nga naman siguradong gising na siya. Ganoon pa rin, kung ano- ano ang dalang pagkain, at kahit inulit nito ang pag- aaya sa kanya na mamasyal sila sa mall ay mariin nang tumanggi si Magda at kung ano- ano ang idinadahilan niya. Hanggang sa bumalik na siya sa kanyang task ay wala pa ring nakukuhang lead o clue sya kung ano na ang balita sa kasong minamanmanan ni Brent. " Pasensya na, bossing, nahiya kasi talaga akong mag- usisa tungkol doon e! " nagka kamot ng kilay na saad niya nang tanungin ng kanilang lider kung ano na nga ang balita sa alagad ng puli

