Chapter 5
Nabigla siya sa balitang bumungad sa kanyang umaga.Ang kanyang ama ay pumanaw na sa isang malagim na aksidente.Ni hindi man lang niya ito nakausap sa loob ng tatlong taong pananatili dito sa Czech...Wala sa loob na napaupo siya at hawak ang tapat ng dibdib.Wala na ang kanyang ama.Ang amang nagmamahal sa kanya ng Sa isang iglap ay kinuha ito ng kamatayan sa kanya.Sana,sana kung hindi siya umalis at iniwan itong mag-isa marahil buhay pa ito.Alam niyang alam na ng ama ang kinaroroonan niya.Pero hindi siya nito kinulit ni tawagan man lang.He let her lived her own life without him.Kung hindi lang sana siya nito ipinagkasundo sa anak ng kaibigan nito ay hindi siya aalis.Ng mamatay ang kanyang ina sa murang edad ay ito na ang tumayong ina't -ama niya.Lahat ibinigay nito sa abot ng kanyang makakaya.Kasalanan niya ang lahat ng ito.Lumuha man siya ng dugo hindi na niya maibabalik ang buhay ng kanyang ama.Napasubsob siya sa mga palad at doon ibinuhos ang lahat ng hinagpis at pagdadalamhati.Huli na ang lahat wala na ang daddy niya.Kanina pa tumutunog ang telepono niya pero hindi siya nag-abalang sagutin ito.Paano na siya ngayon?mabubuhay ba siya ng wala ang ama sa tabi niya?Muling tumunog ang cellphone niya kaya nagpasya siyang sagutin na kung sino man ang tumatawag.Hello....?Babe...Martin...ano bang nangyari sa daddy ko?kahapon lang sinabi mong maayos siya.Bakit?bakit nangyayari ang lahat ng ito?!humagulgol siya.It was an accident babe...you need to go home to arrange his burial. Pinahid niya ang mga luha sa mata.She already have her plane ticket.Yes i need too.Bukas ng umaga ang lapag ng eroplano ko.Ok babe see you sabi nito at ibinaba na nito ang telepono.He never comfort her.Telling everything will be alright.Huminga siya ng malalim.Mag-iss na lang siya ngayon.Kanino pa siya kakapit...ang kasintahan na lang ang natitira niyang pamilya.Aksidente....car accident ang ikinamatay ng ama.Pero bakit ayaw tanggapin ng isip niya na aksidente lang ang lahat?Uuwi siya para alamin ang totoo sa nangyari. Tatlong taon siyang naglagi dito sa Prague,mukhang matatagalan pa bago siya makabalik sa magandang siyudad na ito.Bye for now Prague... Alas nuebe ng umaga ng lumapag ang eroplanong sinakyan niya.After three years nalanghap niya ulit ang hangin ng Pilipinas.Nakita niya ang driver na pinadala ni Martin para sunduin siya.Isang matangkad at maputing lalaki tantiya niya nasa late twenties.Mukhang guwapo ito base sa tabas ng mukha nito.Nakasuot kasi ito ng itim na shades.Ni hindi man lang ito bumati sa kanya.Pinagbuksan lang siya nito basta ng pinto.
Ang sabi ng kasintahan ay hindi siya masusundo dahil busy ito sa kompanya at sa burol ng daddy niya.Agad siyang sumakay sa kotse habang inilalagay nito ang mga bagahe sa compartment.Agad silang umusad at nasa daan na papunta sa chapel kung saan nakaburol ang ama.Hindi pa sila nakakalayo ng harangan sila ng mga dalawang kotse.Lumabas ang mga armadong lalaki at kinatok ang pintuan ng kotse nila.Nakaramdam siya ng panganib.
S-sino sila?!Diyos ko ito na po ba ang katapusan ko?nanginginig niyang bulong. Ms.Thompson ....Don't open the door whatever happens stay here...at dumapa ka,yumuko kung kailangan,sa wakas nagsalita din ito.Tumango siya.Sandali....saan ka pupunta?tanong niya.Hindi tayo makakalis dito kung hindi ko sila lalabasin sagot nito at hinubad ang suot na salamin.Nahigit niya ang kanyang paghinga ng masilayan ang mga mata nito.Hindi nga siya nagkamali guwapo nga ang driver niya.Anong laban mo sa kanila?armado sila?nag-aalalang tanong niya.Sa tingin mo basta-basta lang ako lalabas ng walang dala?Kinuha nito ang baril at isinukbit sa bewang at tinakpan ng suot na suot.Mas mukha pa itong modelo ng designer suit kesa maging driver.Salubong ang mga kilay nito ng mapansing titig na titig siya rito.Ms.Thomson,ngayon ka lang ba nakakita ng guwapong lalaki?masungit
na tanong nito.Agad siyang nagbaba ng tingin at napahiya.Binuksan nito ang pinto ng sasakyan.Driver ba talaga ito?tanong niya isip.
Pigil niya ang paghinga.Nakatutok ang mga baril ng mga ito sa kanya.Katapusan na nilang dalawa.Nasa sampu ata mahigit abg mga ito.Sino ang nagpadala sa mga ito at bakit sila pinagtatangkaan ng masama?may kinalaman kaya ito sa nangyari sa kanyang ama?Naputol ang malalim niyang pag-iisip ng makarinig ng pumutok na baril.Agad siyang nagtakip ng tenga at yumuko.Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang lalaking kasama at ginawang hostage ang isa sa mga lalaki.Nakapulupot ang braso nito sa leeg ng lalaki.Kasabay ng sunod-sunod na pagbaril nito sa mga kasamahan ng lalaki.Patay na rin ang bihag nito dahil walang awa itong pinagbabaril ng mga kasama mapatay lang ang kalaban ng mga ito.Nakita niya kung paano kumilos ang lalaki.Para itong propesyonal na nagsanay sa pakikipaglaban.Magaling sa martial arts dahil hindi lang baril ang gamit nito kundi ang pisikal na kakayahan.Mabilis itong kumilos.Lahat ng matamaan ng sipa nito ay tumilapon sa lupa.Ang tatlong natitirang lalaki ay kapwa nakalugmok sa lupa.Pinulot ng lalaki ang baril at itinutok sa mga ito.Tell to that bastard,the one who sent you no matter how he tried to harm Ms Thompson he will not succed..I am going to protect her at dadaan muna kayong lahat sa bangkay ko understand?!O-oo!oo!Take all of your comrades at huwag kayong mag-iiwan ng kalat!Mabilis na kumilos ang mga ito at isinakay sa kotse ang pitong kasamahan. Bumalik ang lalaki sa kinaroroonan at mabilis na sumakay.Nakita niya ang pagtulo ng dugo sa mula sa kanang braso nito.May tama ang balikat nito na nakuha nito sa pakikipaglaban.M-may tama ka....nag-aalalang wika niya.Nilingon nito ang balikat.Hindi siya nito sinagot at binuhay ang sasakyan.Tahimik ito habang nagmamaneho.Deretso muna tayo sa ospital kailangang magamot ang sugat mo.Hindi ako mamamatay sa simpleng daplis lang.Besides mas matindi pa dito ang naranasan ko .Huwag ng matigas ang ulo mo doon ka muna dumiretso.Napabuga ang lalaki ng marahas na hangin.Huminto sila sa pinakamalapit na ospital.Hindi siya papayag na mapahamak ito.Isa pa malaki ang utang na loo niya sa lalaki.Agad itong inasikaso at nilapatan ng lunas.Naabutan niya itong nagsusuot ng polo pagkatapos magamot ang sugat.Hindi lang tindig nito ang maganda pati ang pangangatawan nito.Napalunok siya.Bakit ba ganito na lang ang epekto ng lalaking ito sa kanya?Hindi lang naman ito ang lalaking nakita niyang hubad-baro mara na siyang nakita.Maging si Martin pero iba ang dating ng lalaki sa kanya.Ipinilig nila ang ulo para palisin ang kakaibang nararamdaman.Nakatitig na pala ito sa kanya at nakataas ang isa nitong kilay habang isinasara ang butones ng suot na polo.Ms.Thompson don't act like it's your first time see a topless guy masungit nitong sabi.She rolled her eyes.Masyado ka namang bilib sa sarili mo mister sagot niya.Sinisipat ko lang kung maayos ang sugat mo...Tumayo ito at unti-unting lumapit sa kanya.Talaga?at humakbang pa ito.Napaatras siya ng ilapit nito ang mukha sa kanya.Nakatingala siya dahil sadyang mataas ito.Amoy niya ang mabangong hininga nito.Nakakapanikip ng dibdib.Nakahinga siya ng lumayo ito sa kanya at isinunod na isuot ang suit nito. Let's go.Pagkatapos mo sa chapel ihahatid kita sa bahay niyo sabi nito.Tumango siya at sumunod dito. Dinala siya nito sa chapel kung saan nakahimlay ang ama.Nangangatog ang tuhod niya at parang nawawalan ng lakas habang naglalakad patungo sa kabaong ng ama.