Secretary Nang makarating kami sa dressing ni sir napansin ko agad ang text ni Kate sa cellphone ko kaya kinuha ko ito para tingnan kong ano ang sinabi From Kate: I hate the news. Are you okay? Siguro nakarating sakanya ang mga usap usapan. So kung nakarating sakanya marami nga ang nakakaalam at pinagusapan ako ng masama? 'Sanay ka naman Hayazenth.' kausap ko sa sarili ko Wala na akong ibang pupuntahan kung aalis ako dito at galit na rin ang mga tao saakin kaya kahit hindi na ako PA ni sir Jhonny pag nakita nila ako alam kong magagalit parin sila Paano naman nila nasabing kinulam ko ang pinakamamahal nilang si Jhonny? Kahit nahihirapan ako sa buhay hindi ko yun magagawa para lang umangat ako. Maybe I used Kaye a little bit? Kasi pumayag ako sa gusto niya but she's willing to help m

