Bawat tao sa underworld ay may kinatatakutan. May mga natatakot sa kamatayan, may mga natatakot sa bilangguan, at may mga natatakot na mawalan ng kapangyarihan. Ako? Ako si Vittorio Farinelli, ang Capo dei Capi ng pinakamalaking sindikato sa Europa. Pumatay ako ng mga traydor nang walang kurap. Nagpabagsak ako ng mga karibal na cartel gamit ang isang pitik lang ng mga daliri ko. Pero ngayong hapon, habang nakaupo ako sa aking mamahaling mahogany desk sa syudad naramdaman ko ang isang kakaibang uri ng matinding takot. Isang takot na hindi kayang protektahan ng kahit anong armadong bodyguards o bulletproof vest. "DON VITO!!!! YHOOOOO!!! BOSSING NA MAPAKLA!!! NANDITO NA ANG IYONG REYNA NG KADILIMAN!!! OPEN THE DOOR OF THE NARNIA OR ELSE I WILL BREAK YOUR BULLETPROOF GLASSES USING MY HOOF!!!

