Mabigat ang naging hakbang ko patungo sa dulo ng pasilyo kung saan matatagpuan ang aking silid. Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko nga na maayos na nakasalansan sa malaking walk-in closet ang aking mga designer clothes at luxury bags, ngunit wala roon ang isip ko. Ang aking buong katawan ay tila ba binabalot pa rin ng init mula sa pagkakasandig ko sa pader kanina, at ang bawat salita ni Vittorio ay paulit-ulit na umuubos sa aking konsentrasyon. Don't lock the door tonight, Lindsay. Isang mapanghamong ngisi ang sumilay sa aking mga labi habang nakatitig sa pinto. Akala ba niya ay matatakot niya ako sa kaniyang mga banta? I am Lindsay Andrada. Kung gusto niya ng laro, ibibigay ko sa kaniya ang isang digmaan na hinding-hindi niya malilimutan. Hindi ko ini-lock ang pinto, ngunit pumasok ako

