Kasalukuyan ko pang iniinom ang "dark caffeinated nectar" na ibinigay ni Badiday nang biglang mag-vibrate ang phone ko sa nightstand. Tiningnan ko ang screen. Dad Calling. Huminga ako nang malalim bago ko sinagot ang tawag. “Yes, Dad?" malamig kong bungad. "Lindsay, pumunta ka rito sa bahay ngayon din," utos ng ama ko sa kaniyang seryoso at walang kaunting preno na boses. “May mahahalagang bagay tayong kailangang pag-usapan tungkol sa investments ng pamilya at sa kumpanya. Huwag kang magpapahuli." Hindi man lang niya ako tinanong kung kumusta ang pakiramdam ko pagkatapos ng party niya kagabi. Well, ano pa nga ba ang aasahan ko sa aking ama? Negosyo, pera, at reputasyon lang naman ang mahalaga sa kaniya. Pero dahil alam kong seryoso ang boses niya, wala akong nagawa kundi ang bumang

