Kinaumagahan, bago ko pa man tuluyang maubos ang aking double-shot iced americano, marahas na bumukas ang pinto ng aking pribadong silid sa mansyon ng mga Andrada. Pumasok ang aking ama, si Governor Rodolfo Andrada, na may hawak na isang gintong envelope na may tatak ng pamilya Farinelli. Halatang nanginginig ang kaniyang mga kamay at balisa ang kaniyang mukha. "Lindsay, anak..." panimula niya, ang boses niya ay puno ng pag-aalinlangan at halatang takot. "Kailangan nating mag-usap. It's about your future. At ang tungkol sa kasunduan namin ni Signor Vittorio Farinelli." Hindi ko siya tiningnan. Ipinagpatuloy ko ang pag-scroll sa aking iPad upang tignan ang mga bago kong layouts para sa Paris Fashion Week. “Kung tungkol 'yan sa mga permits ng mga daungan mo, Dad, huwag mo akong dramahan.

