Kasalukuyan ko pang iniinom ang "dark caffeinated nectar" na ibinigay ni Badiday nang biglang mag-vibrate ang phone ko sa nightstand. Tiningnan ko ang screen.
Dad Calling.
Huminga ako nang malalim bago ko sinagot ang tawag.
“Yes, Dad?" malamig kong bungad.
"Lindsay, pumunta ka rito sa bahay ngayon din," utos ng ama ko sa kaniyang seryoso at walang kaunting preno na boses.
“May mahahalagang bagay tayong kailangang pag-usapan tungkol sa investments ng pamilya at sa kumpanya. Huwag kang magpapahuli."
Hindi man lang niya ako tinanong kung kumusta ang pakiramdam ko pagkatapos ng party niya kagabi. Well, ano pa nga ba ang aasahan ko sa aking ama? Negosyo, pera, at reputasyon lang naman ang mahalaga sa kaniya. Pero dahil alam kong seryoso ang boses niya, wala akong nagawa kundi ang bumangon na naman kahit na parang sumasabog pa rin ang buong katawan ko sa tindi ng parusa ni Vittorio kagabi.
Nag-ayos ako ng sarili gamit ang isang oversized asymmetrically cut blazer para maitago ang mga marks sa leeg ko, hinarangan ko ng concealer ang natitirang lila sa balat ko, at isinuot ko ang aking pinakamalaking sunglasses. I needed to look like the untouchable Lindsay Andrada before stepping into the lions' den.
Matapos ang halos tatlumpung minutong biyahe patungo sa lumang mansyon ng pamilya Andrada, ipinarada ko ang aking sports car sa tapat ng engrandeng fountain. Pagkababa ko pa lang ng sasakyan, ramdam ko na ang bigat ng hangin.
I walked into the massive foyer, my high heels clicking sharply against the marble floor. Pero pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa main living room, dahan-dahan nang napatigil ang mga hakbang ko. Ang aking kanang kilay ay awtomatikong gumapang paitaas nang makita ko ang mga taong nakaupo sa sofa.
Nandoon ang aking stepsister. Si Patricia.
And beside her was a tall, sharp-featured man wearing an expensive tailored suit, looking like he owned the entire room.
The moment I stepped in, ang mukha ni Payricia ay marahas na tumigas. Kita ko ang purong galit at inggit na nagwawala sa kaniyang mga mata. Kung nakamamatay lang ang titig, baka kanina pa ako duguan sa sahig. She always hated my guts. She always hated the fact na kahit ano ang gawin niya, ako pa rin ang tinitingnan bilang ang tunay na high-fashion queen ng pamilyang ito.
But what caught my attention was the man beside her.
The moment our eyes locked, the guy didn't even try to hide his expression. He stared at me, as in stared—his eyes focused on me solely, pumasada mula sa mukha ko, bumaba sa aking mahahabang binti na nakalantad dahil sa slit ng aking palda, bago muling bumalik sa mga mata ko na may kasamang malalim at mapangahas na interes.
Mukhang jowa ng stepsister ko ang gago.
Halatang napansin din ni Patricia ang tahasang pagtitig ng kaniyang lalaki sa akin, dahil mas lalong umasim ang mukha niya at marahas niyang hinawakan ang braso ng lalaki para ibalik ang atensyon nito sa kaniya.
I let out a soft, mocking chuckle inside my head. Wala naman akong paki sa kanilang dalawa. O baka sadyang kulang lang talaga sa urbanidad ang mga lalaking pinipili ng stepsister ko. whether he is a billionaire or a model, kung pag-aari siya ng isang Andrada half-blood, wala akong kaunting interes.
"Lindsay," tawag ng ama ko habang pababa siya sa hagdan ng mansyon, bitbit ang ilang mga legal na dokumento. "Mabuti naman at dumating ka na. Maupo ka, dahil marami tayong kailangang linawin ngayon."
I adjusted my sunglasses, giving Patricia and her staring boyfriend the coldest, most professional blank stare I could muster before taking a seat on the opposite single sofa. Ang laro sa pamilyang ito ay opisyal na namang nagsimula, at kahit masakit pa ang katawan ko mula sa exercise namin ni Vittorio, hinding-hindi ko hahayaan na makita ng mga basurang ito na may kahinaan ako.
"Dad, who are they?" malamig kong tanong habang dahan-dahang tinatanggal ang aking oversized sunglasses.
I didn't even bother looking directly at Patricia, pero alam kong kulang na lang ay magliyab siya sa upuan niya sa tindi ng pag-isnab ko sa kaniya. Kung reyna siya sa paningin ng sarili niyang ina, sa harap ko, isa lang siyang trying-hard copycat na kulang sa orihinal na dugong Andrada.
"Lindsay, this is Ethan Vance," seryosong pakilala ng aking ama habang nauupo sa kaniyang dambuhalang arm chair sa tapat naming tatlo.
“He is the chief executive officer of Vance Maritime Logistics. Ang pamilya niya ang may hawak ng shipping lines na gustong makakuha ng exclusivity contract sa bago nating manufacturing site sa Cavite."
Vance Maritime Logistics.
Kaya naman pala halos lumuwa ang mga mata ng lalaking ito habang nakatitig sa akin. His family has money, sure. Pero kumpara sa network at kapangyarihan ng pamilya Farinelli na kasalukuyang may hawak ng kalahati ng daungan sa Europa, mukha lang siyang local merchant na nagmamakaawa para sa isang franchise.
"Vance," panimula ko, sadyang tinaasan ko siya ng kanang kilay habang nakasandal ako sa sofa, pinagcross ko ang aking mga binti nang may buong karangyaan. "I've read about your company's financial layout last quarter. Medyo mababa ang delivery margin niyo sa South Luzon area. What makes you think you can handle the Andrada line?"
Bago pa man makasagot si Ethan, marahas na sumabat si Patricia.
"Don't talk to him like that, Lindsay!" asik niya, ang kaniyang boses ay parang sirang plaka na nagpapasakit sa ulo ko.
“Ethan is an international businessman. Hindi katulad ng mga cheap models na pinapapunta mo sa mga fashion show mo. Kaya pakiusap, huwag mong pairalin ang kamalditahan mo rito dahil business partnership ang pinag-uusapan!"
Isang napakatamis ngunit nakapangingilabot na ngisi ang dahan-dahang gumuhit sa aking mga labi.
I shifted my gaze to my stepsister, giving her a look that practically shouted she was a total peasant.
“Patricia, darling. Magkaiba ang business partnership sa gold-digging scheme. Kung gagamitin mo ang lalaking iyan para lang makakuha ng shares sa Cavite site, make sure na may utak din siyang dala bukod sa mamahaling suit niya. At pakiusap... pakisabihan ‘yang jowa mo na huwag masyadong tumitig sa leeg ko kung ayaw niyang mabulag bago matapos ang linggong ito."
Napatigil si Ethan, biglang naging seryoso ang kaniyang mukha at bahagyang napalunok nang ma-realize na nahuli ko ang tahasan niyang pagtsansing gamit ang kaniyang mga mata. Si Patricia naman ay kulang na lang ay sumabog, ang kaniyang mga kamay ay nanginginig sa hawak niyang designer bag habang nakatitig sa akin nang may purong galit.
"Lindsay, stop it," awat ng aking ama, bagamat walang kaunting galit sa kaniyang boses dahil alam niyang sa usapang negosyo, ako lang ang may kakayahang pumili ng tamang investor.
“Ethan and Patricia are planning an alliance. At dahil ikaw ang may hawak ng pirma para sa logistics distribution ng Andrada Enterprises, I want you to review their proposal today."
"I will review it, Dad," sagot ko habang dahan-dahang tumatayo nang may tuwid na posture, kahit na ang totoo ay naramdaman ko ang kaunting kirot sa aking baywang—isang paalala kung paano ako marahas na pinaikot at inaangkin ni Vittorio kagabi.
"Pero huwag kayong mag-expect ng mabilisang pirma. I don't sign contracts with companies whose CEOs have unstable optical alignment."
Inikot ko ang aking mga mata nang napakatindi habang isinuot ko muli ang aking sunglasses. I walked past them without giving them a second glance, ang tunog ng aking heels ay sumigaw ng absolute authority sa buong living room. They think they can corner the Ice Queen inside her own family home? Unexpected talaga ang takbo ng utak ng mga taong 'to. Pero hangga't ako ang may hawak ng pirma—at hangga't may isang Vittorio Farinelli na naghihintay sa akin sa mansyon hinding-hindi nila makukuha ang koronang matagal ko nang pinaghirapan. My mom started this business afterall. Kaya dapat lang na sa akin ang huling say.