Special Chapter Kabuwanan na ni Zabina pero gala pa rin ito nang gala. Nakarating pa nga ito sa Tagaytay nang hindi alam ni Judas dahil gusto niya kumain ng buko pie. Galit na galit noon si Judas pero hindi nito magawa na pagalitan ang asawa. "Eh nagkataon na wala akong ibang mabilhan, tapos nasa seminar ka naman ng dalawang araw. Ano ang gusto mong gawin ko? Takam na takam talaga ako sa buko pie. Saka mabilis lang naman ang biyahe ko. Kayang-kaya ko naman. Ginagawa ko naman dati 'yon," pagtatanggol pa ni Zabina sa sarili niya. "Kahit na, Baby. Alam kong kaya mong magdrive nang matagalan. Pero paano kung bigla kang mapaanak habang nasa biyahe? Mag-isa ka lang tapos wala ka pang kakilala," Tanong ni Judas. "Ayaw mo no’n? Tagaytay Citizen ang anak mo? De, joke lang. Isusugod ko ang sa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


